January 17, 2010

Wala Lang Naman

unti-unting transpormasyon. haha

Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Kaya ngayon din, magbabago ako. Hehe. 
DARNA! 
Haha. lols.
apir!
Ü

January 13, 2010

Series of Unfortunate Events

 Ika-11 ng Enero 2010

Wala kaming pasok pero kailangan kong magpunta sa school dahil mag-aamend kami ng konstitusyon. 4pm pa ang call time pero nagdecide kami ni boy balbas na magkita ng ala-una sa LRT2 Recto Station para magreview sa Statistics dahil may long quiz kami kinabukasan.


Paalis na ko, gamit ko sana ang body bag ng ate ko dahil konti lang naman ang dadalhin ko, pero nung makita nya ito, sinabi nyang gagamitin nya raw at 'yung backpack ko na lang ang gamitin ko. Okay. Habang tinatransfer ko 'yung mga gamit ko, may ilang scenario ang pumasok sa isip ko. Pa'no kung masnatchan ako? Pa'no kung madale ang cell phone ko? Kaya hindi ko inilagay ang phone ko sa bulsa ng bag ko kahit na anong mangyari at imbes na backpack, sa harap ko lagi ito nakasabit. Pagdating sa stasyon, wala pa si boy balbas. Medyo matagal-tagal akong naghintay. Naaliw na lang ako dun sa mga bulag na tumutugtog. Amaze na amaze ako lagi pag napapanuod sila. Wala lang. Maya-maya dumating sya, kumain kami ng siomai sa Master Siomai at nagtake-out pa ng isang order matapos ay naisipan kong bumili ng Dunkin Donut; dalawang Bavarian at dalawang Choco Creme. Inilagay ko ang cell phone sa bulsa ko.


Paglabas ng stasyon, papunta na sa aming destinasyon, hindi pa nakakalayo. Narinig ko 'yung tunog ng binuksang zipper sa likod ko. Agad akong lumingon at may lalaking dali-dali kaming inunahan at patay malisya kahit na obvious naman na nagtangka syang buksan ang bag ko. 'Yun ang una at sinabit ko uli sa harap ko ang backpack. Nag-aabang na kami ng jeep. Sakto, walang nakaupo sa harap. May napulot kaming ID, taga-Baste. Itinago ko. Sandali lang ang byahe. Nang pababa na kami, hindi gaanong nakatabi ang drayber kaya't parang nagmamadali kaming bumaba dahil nagmamadali syang umandar, medyo mataas pa naman ang jeep nya. Nahuli kaong bumaba at medyo nahirapan ako. Naramdaman kong parang may nalaglag mula sa bulsa ko. Nasulyapan ko, parang cell phone ko yata 'yun, medyo nagkatinginan pa nga kami ni manong at mabilis syang... umandar? Red light nun, pero mukhang sumingit-singit na sya.. Mabilis ang pangyayare, malaki 'yung bag ko na yakap-yakap ko kaya hindi ko maisip ang gagawin. Pero,inisip kong baka nasa bulsa lang ng bag ko, o baka na kay boy balbas lang. Pero wala akong cell phone na nakita. Wala. Sinubukan pang habulin at hanapin ni boy balbas ang jeep, pero hindi na namin nakita. 


Tumabi na lang kami at naghanap ng mapepwestuhan. Imbes na mag-aral, natahimik na lang kami. Kinain agad ang mga biniling pagkain, pampalubag loob. Unti-unti kaong nalungkot. Pinaghirapan ng nanay ko 'yun, pero dahil sa 'di ako nag-ingat, sa isang iglap, nawala lang parang bula. Tiyak na ikalulungkot nya 'to. Hindi man lang tumagal. Hindi nga nadale nung una, pero natuluyan naman sa pangalawang pagkakataon. Naalala ko tuloy 'yung biruan namin date, "Walang taong malas, Tanga lang kayo". Hehe. Matapos kong maubos lahat ng binaon namin, naghanap naman ako ng Chowking at nagpakabusog. Ang panget ng feeling, lalo na pagbina-browse mo sa isip mo 'yung mga nilalaman ng bagay na nawala sa'yo. Nandun 'yung kauna-unahang text ng bestest friend ko nung una kameng nagkakilala, mga cheesy moments sa mga barkada kong hindi showy at higit sa lahat mga contacts ng mga taong rare matagpuan. Haha. Pakkkk. Haaaay. Nakakapagpabagabag.


Sa t'wing naaalala ko 'yung mukha ni manong, naaasar ako. Akala ko kasi, guni-guniko lang 'yung nakita ko, na nalaglag sa upuan 'yung cell phone ko at sumasama ang loob ko dahil hindi sya nagkusa para ibalik 'to. Siguro ibibigay nya sa anak nya, o ibebenta nya o baka wala syang cell phone. Rawr! Malas lang siguro 'yung ID na napulot namin, haha. Mukang may sumpa 'yung may ari e. Amf.

Lesson: Dapat hindi na ko nag-iisip ng mga ga'nong scenario. Nagkakatotoo palagi e. Chill lang.

Lunatic


Waking up late in the morning on vacant days is a normal thing. Waking up alone is a normal thing. Facing the computer right away without even eating a meal is again a normal thing. Facing it the whole day with your eyes almost tired with nothing left to do is normal when you're desolate. You're in a state of hunger when your stomach starts to sound weird and eat when you feel like you almost die. You decide to turn-off the computer and sit beyond the sofa, beside the sleeping kittens. You ate chocolate and returned it to refrigerator once you're sated about it. You gawked at your wall, thinking what to do next and choose to open the pc again, assuming sounds or music will annihilate the boredom. In the beginning, music seemed to suit your mood, later you will be annoyed of the noise. You start gazing again, no one is online ('coz you're the one who's off). You play with the revolving chair, several times and enjoying it. No one's making you alive at this' moment then there's the entry of hodgepodge thoughts. You keep looking at the hourglass, waiting for someone to enter the door; feeling your phone vibrates, someone beeps you and suddenly, remembers it was gone the last day and feel sad about it. You feel like somebody's watching you. Stunned and  your whole system is now alert. Relaxed. 


The sun hides and the moon will start to shine. Still waiting for companionship and jump out in state of craziness. If days would be like this, ow I'd rather die. No man is an island.     

January 4, 2010

Your Other Half





The picture doesn't have to do with the title of the post ('coz it belongs to someone else's).  Well, anyway I'd just wanted it to be posted saying what it really means. The next big thing is now the BIG thing and no sudden feeling could come to revolutionize it.

Safe and secured.

January 3, 2010

And This Is How It Ends



"I think I used to be one of the protagonist people murmuring around, I think I really really get used to it."


No, I'm not. People talking through their eyes and glimpsing through yours makes their topic obvious and it sucks, additional bagahe if those people were your fellas and being around them makes you feel comfortable no more. Instead of insinuation and making fun of it, why not confront and be serious about it. 

Maybe, I'm just taking it seriously. Hope it won't take long. 

December 29, 2009

It's Just The Beginning




Finding the warmth in the side of your bestest friend in the cold breeze of Baguio seemed to be romantic in the eyes of people who do not know the relation between the two of you and a bit strange for the people you know who find you sweet for the  very first time.

I think I used to be one of the protagonist people murmuring around, I think I really really get used to it. Not because of popularity (I'm not even one), well it's some kind of a showbiz thing sometimes. Parang Krista Ranillo at Manny Pacquiao. Haha. 

I know it gets him feeling awkward after our friends spill what they were thinking about us after that Baguio Seminar. Honestly, I've been quite thinking of that too (the malicious minds of others), for it was really the first time that we went very sweet in our three day stay to Baguio but it was never the first time, he's always sweeter than you thought. Nakakainis lang, parang kahit simpleng pag-uusap mahihirapan kayong gawin dahil sa mga mata ng malilisyosong tao (ow, harsh), and worst you know at the back of their minds a torn-between-two-lovers idea is popping. Well, I have not seen ourselves, perhaps  we meet the boundaries that's why.

Not because you go out whole means you also go on every detail happening in each of you, there are things that certain people only understand. Pair pairs have their own language. Whatever malicious or deviant spirits surrounding around us, those don't go into my system. I don't care what the hell their thinking about us, what matters most is we knew what we really are and that we'll still be the BASH we knew from the start, the language we used to understand.


 photo grabbed here

December 25, 2009

Ibalik Si Kristo Sa Pasko


Mukhang huli na ko para sa pagpopost ng mga kaganapan sa buhay ko. Haha. Pero ihahabol ko pa rin. Medyo naging busy yata ang linggong 'to kaya ang sinasabing break ay hindi ko pa rin nararamdaman. Pero yun na nga siguro yun. Haha. Busy sa kakaattend ng mga party-party, celebrations at pagliligpit ng magulong bahay.


Pasko na. Ang pinakamasayang holiday na inaabangan at pinaghahandaan. Ang pasko daw ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Oo. Kaya paglalanding na sa -BER ang buwan, simulan mo ng mag-ipon para sa mga regalo. Ewan ko a, pero sa mga kabataang mas bata pa sa tulad ko, ang pasko ay walang iba kundi pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo. Kailangan bigyan ng regalo si ganito kase pasko, binigyan ako ni ganito kaya bibigyan ko rin sya. Sa mga mababaw mag-isip, nakapagtatampo pag wala kang natanggap mula sa inaasahan mo. Sa madaling salita, minsan ang pasko ay tungkol sa mga REGALO, mas inaabangan pa nga si Santa Claus. Magbibigay ka kase umaasa kang may kapalit yung ibinigay mo, exchange gifts. Kadalasang nawawala yung esensya ng pagbibigay. Soo commercialized. Iilang bata ba ang nakakaalam na kaarawan ni Kristo ang Pasko, na ang ipinagdiriwang ay KANYANG kaarawan at hindi ang pag-aabang sa regalong ibibigay ni Santa Claus. 

Sa ilang gabi ng isinimba ko, ang sermong ito lang yata ang nagustuhan ko. Ibalik si Kristo sa Pasko. Napakaraming bahay ang may bonggang dekorasyon, maraming makukulay na ilaw, kendi, mga reindeers at syempre si Santa Claus. Pero ang pinakamagandang dekorasyon siguro na maipakikita mo sa tao, ang Belen. Bihira na lang din ang naglalagay nito. Puro si Santa Claus lang kase ang ino-offer ng mga kapitalista. Haha. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa t'wing magpapasko kailan laging merong bago. Kelan ba nagsimula yun at sinong nagpauso? Minsan nga lang naman sa isang taon, Christmas is the time to spoil ourselves, kaya nga the best sa lahat ng breaks. Madali ring mang-uto. Panahon nga kase ng pagbibigayan. Ah basta, kung ano pa man yan, si Bro lang ang Star ng Pasko at walang regalo ang hihigit sa pamilyang kumpleto.

PASKUHAN 2009


Taon-taon idinaraos ng aming unibersidad ang aktibidad na 'to. Ang Christmas Party ng mga batang kapit-bahay ng pinapasukan namin. Natuwa ako noong nakaraang taong nakibahagi ako rito, pero mas natuwa ako ngayon dahil naging 'useful' ako sa program na 'to. Haha. Limang bagsak para sa tagumpay ng task ko. :) Bukod doon, napatunayan kong mahilig talaga ako sa mga bata. As in bata. Mga batang magugulo, takbo ng takbo, parang mga linta kung kumapit, sobrang sasaya at biglang iiyak ng hindi alam nag dahilan, biglang hahanapin ang magulong, maiihi, tutulo ang sipon, madadapa at hindi makausap ng matino. Pero hindi ako nayamot. Ang pag-aalaga sa kanila ay kinaaliw ko. Isang challenge para saken ang mapangiting muli ang batang kagagaling lang sa iyak, mapagsalita ang batang nahihiya at nakakaulol kayang manghabol ng mga batang iba-iba ang direksyon. Haha. Nakakatuwa ring makipag-usap sa mga batang ka-level mo na mag-isisp. Iba talaga ang point of view ng mga kabataan sa community, mulat sa realidad.

Sa kalahating araw ng pakikipaglaro sa kanila, sa huli mo na rin mararamdaman ang lahat ng pagod na nararamdaman mo. Ang uhaw, gutom at amoy ng natuyong pawis. Isang araw ng tagumpay. 

 WILD CONFESSIONS

bago umalis ang mga babes
 barkada picture
jump shot sa court

bago matulog. hindi mapakali e

goodmorning!

Hindi nga siguro buo ang klase  kaya sa Christmas Party na inihanda namin ay kami-kami lang din. Ganun pa man, Happiness is a choice daw, then I chose to be happy (just for this day). Overnight hopping is a teenage thing. Literally overnight dahil iilan lang ang tunay na makakatulog at isa sa mga yun. Haha. Salamat sa dalawang katabi ko dahil ang lalambot nila at nakatulog talaga ko ng maayos. 


Para hindi ma-bore at manatiling masaya sa kinalalagyan, wala na sigurong mas nakakaaliw pa sa spin-the-bottle. Haha. Hindi ka makakatakas sa pagsisiwalat ng mga bagay na matagal mo nang itinatago at masyado talaga kong natuwa sa mga natunghayan ko. Haha. Dahil dun, lalo ko lang naappreciate na napakaswerte ko dahil ako ang mahal mo. Hahaha. Ang isa pang nakakatuwa, hindi kase ordinaryo ang mga usapan, isang gabi ng mas malalim na pagkakakilanlan, isang gabi ng kakornihan at iisang paninindigan.


Masyadong naging masaya ang isang gabing "party" kuno na 'to para sa 'min. Pero mas magiging masaya kung kumpleto at hindi na grupo-grupo. Darating din kami sa puntong yan and I'm looking forward to it. Sa susunod na taon hindi na lang ang mga mukhang yan ang makikita nyo. Haha. Wish me luck for that.


Merry Crisesmas.

December 17, 2009

Teammate. Soulmate




Hindi ko na matandaan kung kelan kami unang nag-usap o naging malapit sa isa't isa, basta ang alam ko nagkatabi kami isang araw. At mula noon, hindi na kami naghiwalay

Unang araw ng klase, naghahanap kami (my girlfriend) ng kaklaseng may pinakamaayos na mukha. Haha. Kung titingin ka nga naman sa kanilang lahat, isa sya sa pinakamatino... at kakaiba. Hindi sya palakausap, tahimik langnasa grupo sya ng mga babae, mukha syang emo dahil sa pormahan nya, sa maalon at mahaba nyang buhok. Higit sa lahat, sa balbas nya. Sa tingin ko, dahil sa misteryoso nyang appeal na 'to ang dahilan kung bakit marami sa amin ang binoto syang presidente ng klase, mukhang responsable. 

Habang tumatagal, isa-isa kaming nagkakakilanlan. Nagkukuhaan ng numero at kung anek-anek. Karamihan naka-globe, bilang ang mga tulad kong naka-smart. Si choco butternut (hindi tunay na pangalan), unang naging malapit sa'kin, naka-smart din kase. Matanda sya sa usual na age namin, pero okay lang. Hindi ganun ang turing namin sa kanya dahil mukha lang din syang bata, magaling makisama, makulet, kaibigan. Ito rin 'yung panahong tornado ang buhay ko, nagawa kong masabi sa kanya lahat. Nakikinig sya at nagbibigay ng pansamantalang solusyon, gumagaan naman ang pakiramdam ko. Malalim-lalim rin ang pinagsamahan namin, lumalim. Pero may kulang, basta may kulang. 

Isang araw, sa dome. Habang walang ginagawa, pinangunahan kami ng trip ng isa naming kaklase, parang spin-the-bottle. Ang matapatan ng bote, sasabihin kung sino ang "crush" nya sa room at kung bakit. Una yata akong natapatan, edi si choco butternut ang sigaw ng puso ko, kung bakit? Maganda boses. Haha. Charot. At nang tumapat kay boy balbas, nahihiya pa syang sabihin. Haha. Hindi ako nagkamali, si krispy kreme (hindi rin tunay na pangalan) nga. Nakita ko kasing  binoto nya 'nung nag-eelect kami ng officers. Haha.  

Natukso akong bumili ng globe na sim dahil sa girlfriend ko, hindi ko na rin matandaan pero ako nga siguro ang unang nagtext kay boy balbas. Haha. Wala naman syang ibang ikinakamusta sa'ken, puro choco butternut. 'yon lang kasi ang alam nya. Haha. Nasubaybayan nya ang parallel love story namin. Dumating pa nga sa punto na mukhang espiya ko sya sa grupo nila. Haha. Hindi ko na rin matandaan kung bakit parang ilang buwan ang nakalipas, hindi ko na pala binalik sa pagkakasaksak ang smart ko. Siguro dahil takot akong harapin ang mga bagay na naroon. Nailang yata ako. Habang si boy balbas naman ang nakausap ko, mukhang unfair kung buhay ko lang ang susubaybayin namin. Naikwento nyang may dine-date sya, nakilala nya noong enrollment. Isang makina. Haha. Itetext sya pag gusto syang makita at hindi rereplyan pag ayaw nya. Hanggang sa walang nangyari. Nilubayan nya rin. Mahilig syang magkwento ng mga pangyayari sa buhay nya nang hindi nagbibigay ng pangalan, ang abstract tuloy. Haha. Si  Lady Green na tanging itinuturing nyang bestfriend na sa totoo lang eh na-in love rin sya at si Red Ribbon na ka-spark nya. Ang sinusubaybayan namin, si choco butternut at Red Ribbon. Hehe. 

About last week of November, I went to visit one of my closest friend which is choco butternut's peer. Hindi ko inaasahan na pupunta rin sya. Dead air. Pero okay lang, kahit medyo kinakabahan. I thought it will be the start of something new. Masaya akong umuwing pinanghahawakan ang ngiting iniwan ng araw na 'yun. But I was all wrong.

December. May activity ang CWTS sa Luneta at sumama ako kahit wala akong ibang kakilala dahil nandoon SYA. Pero iba ang nangyari. Parang may inililihim ang buong klase sa'ken. Hindi ko maintindihan. Nang dumating sa lugar, hinihintay nang lahat si krispy kreme, lalo na sya. Mukhang alam ko na. Nalungkot ako. Hindi ko maipaliwanag. Nagpunta kami sa Manila Bay para hintayin ang paglubog ng araw at nilubugan ako ng araw na saksi sa lungkot na hindi maalis sa mukha ko. Nag-iisa. Nakita ko sya, tahimik rin. Hindi ko talaga maintindihan. 
Oras na para umuwi na kanina ko pa gustong-gustong gawin. Pilit pa nila 'kong isinasabay sa kanila. Oo na lang. Habang naglalakad papaunta sa sakayan, isang eksena ang malinaw na nagtapos ng kung anumang espesyal na chuva ang namagitan sa'men. Paalam na lang. Hindi ako sumabay sa kanila. Bumaba ako pagkababa ng ibang kasama. Nakatanngap ako ng text galing sa kanya ng makauwi ako, nagtataka sya kung bakit bumaba ako agad, maging kung bakit ako tahimik at sinabing iniisip nya ako habang pinagmamasdang lumubog ang araw. Wala na 'kong gustong sabihin.

Hindi ko maikwento ng buo at maayos kay boy balbas ang buong istorya kaya gumawa ako ng sulat. Nalungkot rin sya para sa'kin at hindi ako iniiwan.  Mukhang sya nga talga ang nalungkot. Haha.

Nang sumunod na araw, may kakaibang kaganapan sa klase na parang ako lang ang hindi nakakaalam. Nang magkita kami ni boy balbas, bago ko iabot ang sulat, ikwinento nyang nakita nya sila sa LRT station at hawak ni krispy kreme ang Blue Magic paper bag na galing kay choco butternut. Sorry for me. That's how our parting time ends.

Pilit akong tinutukso at pinagsasalita ni boy balbas ng nararamdaman ko, gusto nyang aminin ko na nasasaktan ako in his face. Haha. Pero medyo natuwa ako, mabuti nang maaga. At least nalaman ko, ganun pala sya. Sa ginawa nya, nagpakilala sya. At wala kaming dapat pag-usapan tulad ng gusto nilang mangyari. Okay na 'yun. Okay na okay.

January 12, umepal kami sa program nila. Haha. nakikain pa ng donut na inihanda ni krispy kreme para sa espesyal na pagtanggap kay choco butternut. Cell phone ko pa ang ginamit na pang-cover. Hahaha. Nakakaloko nga ang eksena. See the twist? Exchange partners. Haha. Lahat sila'y nakalapit sa bagong magsinta, samantalang ako... nandun sa hindi mababakas ang nais ipahiwatig ng aking mukha. Di bale, kasama ko naman sya. Nandun sya sa lahat ng panahon na I can't almost hold back my tears, pero hindi. He holds it. Haha. 

Kamusta naman sya? May together again ang batch nila at nandoon si Lady Green at Red Ribbon. Pareho nya silang binigyan ng origami cranes na sya mismo ang gumawa. Masayang-masaya sya. Dahil ito ulit ang pagkakataong nakapag-usap sila matapos ang bonggang tampuhan bago sila grumadweyt. 

Pareho ng kurso namin si Red Ribbon, 'yun nga lang malayo sya. Kaya they rely on texting. Isang maswerteng activity ang gaganapin sa unibersidad nila na makakasama kami. Pili lang ang isasama at dahil presidente sya, sya ang mamimili at syempre kasama ko. Haha. Marami sana kaming pagkekwentuhan tungkol sa Red Ribbon nya kaso hindi kami nagkatabi sa bus dahil sa joker naming kaklase. Haha. 'yun lang talaga ang pakay ng pagsama namin, ang makita sya. Este ang magkita sila. 

Lunch time, inabangan nya ang text ni Red Ribbon. Lumabas sya ng area, naiwan ako at hinihintay ang pagbalik nya baon ang kwento nila. Haha.

Medyo matagal at naihi na ko, lumabas ako at naghanap mg C.R. Paglabas ko ng banyo, nakaupo na sya roon at parang wala sa sarili. Naisip ko kung chichikahin ko sya sa ganung moda nya, mukhang wala akong mapapala kaya hindi ko na muna sya pinansin. Lumabas kami ng joker naming kaklase at naglibot. Pagbalik namin, kasama na namin sya. At itinuro nya kung saan sila kumain. Sa pagkakakwento nya sa'kin, mukahang dismayadong-dismayado sya. Sa kung anong dahilan? Ang bagal kasi nya. Haha. 


ETO NA TALAGA...



Kinabukasan, tinext nya ko. Sa pagkakatext nya, parang tinakdaan nyang kailangan ko talaga syang samahan. Sa City Hall, magsosolicit para sa Socio Week.

Kakatapos lang ng basketball game at didiretso na nga kami ng City Hall. Kaming dalawa. Nagtataka na ang mga kaklase namin, lagi kasi kaming magkasama. Kahit sa pagkain, sya na rin ang madalas na kasalo ko. Pati nga ang girlfriend ko nagseselos na. Haha. Pero never mind. Haha.

Habang nasa byahe, hindi ko naman tinatanong pero paulit-ulit sya. Hindi na raw nya ite-text si Red Ribbon. Kung bakit? Basta raw, hindi na. Kahit pa "in me" na rin daw yun sa kanya. Labo ni pare. Pero, ayun. Hindi na raw talaga. Baka si Lady Green na? Haha. Hindi rin daw. "Don't get me wrong", sabi nya. Okay, na parang hindi naman kapani-paniwala. Hahaha.

February 6, hindi ko inaasahan. Bumigay si gago, nainlab na pala sa'ken. Haha. Ilang oras yata kaming nagtatanungan sa labas ng room habang sila nagpoprogram sa loob. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko na nga syang takasan. Haha. Sa huli, umo-o rin ako. Bakit naman hindi ko pagbibigyan ang pinakamabuting kaibigan? 

Parang wala namang nagbago, ganun pa rin kami. Kwento lang ng kwento. Siguro naging mas espesyal lang dahil nadagdagan ng love letters at kung anu-anong kakesohan ang relasyon namin. Haha. Nakakatawa, para 'kong may tuta. Hahaha. Sinusunod nya lahat ng gusto ko, pero ang pinakagusto ko... Hindi nya kinukunsinti ang mga bagay na hindi maganda. Nagagalit sya pag nasasampal ko sya at pag sumosobra sa panlalaet. Hahaha.

Hindi ko na patatagalin pa, umabot ng tatlong buwan ang panliligaw nya. At simpleng "saranghaeyo"  ibinigay ko sa kanya. Haha. Wala akong dapat pagsisihan ng bigyan ko sya ng permisong ligawan ako, lalong wala akong dapat pagsisihan ng sinagot ko sya. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo. San ka makakakita ng tulad nya? Hindi nya ko binigyan ng dahilan para magalit sa kanya (ako ang sakit ng ulo nya, haha), hindi pa yata ako umiiyak ng dahil sa kanya. Hindi man sya katulad ng iba na mukhang tough guy, he secures me in his own way. Hindi man sya magaling kumanta, kakaiba naman ang talent nya. Sinong lalake pa ang magkakainteres sa pagtutupi-tupi ng papel? Hindi man sya palaging libre pero laging may oras na nakalaan para sa'ken. Agad na natataranta pag hindi na 'ko matanaw ng mga mata nya. Agad na inaayos ang anumang mapansin na gusot. Hindi sya 'yung tipikal na boyfriend na taga-hatid sundo lang, katext or what. Lagi syang higit sa iba. He's always more on what is due.  Hehe. Ang hindi ko makakalimutan eh, isa syang huwarang anak. Haha. Idol ko 'tong boy balbas na 'to. Sino pang kakilala mo ang nasa tamang edad na at lalaki pa na hindi pa rin pinapayagang makasama sa mga party party lalo na kung gabi? Hindi sya sumusuway sa magulang. Kung sa iba 'yon, baka naglayas na. Pero sya, hindi. Naiintindihan nya. At, hindi pa, kailanman... na nakaligtaan nya ang valentines day namin. Haha. Sorry ah, ako kase madales eh. Hehe. Alam na alam nya ang mga bagay na makakasaket sa'ken. Nakilala nya na nga siguro ako. Wala na 'kong mahihiling pa sa isang lalakeng may balbas na 'to na hindi naman emo, maniniwala ka ba pag sinabi kong Sara Bareilles din ang mga type nya? Haha. Kakaiba talaga. HIndi rin nanood ng Horror films at hindi nagyoyosi. Walang bisyo. Wala na talaga 'kong mahihiling kundi, matuto sana syang magbisikleta. Haha. 

Sa ika-pitong buwan na 'to, ito lang nag masasabi ko. Hindi nakakasawa ang mukha mo. Ang relasyon natin kung ilalarawan ay palaging bago. Parang laging kahapon lang. Walang nagbabago. Paulit-ulit ngang sinasabi, "Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago" at natutuwa ako dahil nakakasabay tayo sa pagbabago. :)

This is the Last Time I'll fall in love. ♥