August 21, 2010

When The Stars Go Blue

This blog is so dead. Gumawa na kase ako ng bago dahil napaka-immature ng mga posts ko dito. Ayoko namang idelete, sayang ang mga followers. Hehe. Haay

March 14, 2010

Hey there my friends, I'm kinda sick of this blog. Follow me here still and watch me transformed. Hehe.

February 20, 2010

Twisted World

alas -11:00 ng gabi, pebrero 6 2010,

nakakapagod ang isang mahabang biyahe mula cubao papunta sa aming tahanan, minabuti ko munang maupo pagkapasok sa aming bahay at nanuod ng isang palabas sa telebisyon. napansin kong anong oras na ay nasa upuan parin ako at tila ba natali na sa panonood sa isang palabas na bagamat hindi ko inaabanagan, ay pinanuod narin. mahigit dalawang oras din akong nanuod at nagsayang ng dalawang oras na maaaring ilaan sa mas produktibong bagay.


isang kotasyon ang aking naalala sa ganitong sitwasyon:

" the production of too many useful things results in too many useless people"

marahil ay magbabago ito ng interpretasyon sa mga makakabasa ng talakayang ito, pero, kung mapapansin, may kaugnayan ito sa naranasan ko kanina at ng iba pang mga tao nalululon sa teknolohiyang inilalako ng pandaigdigang pamilihan na pangunahing minamanipula ng mga dambuhalang dayuhang mga korporasyon.


ang teknolohiya o siyensiya ay hindi masama, hindi din masama ang pagunlad ng mga kagamitan at mga libangan ng mamamayan, ang nagpasama dito ay kung paano ito ginagamit.


sa kasalukuyan, nananatili sa pagiging pasibo ang mga pilipino dahi sa ganitong kultura, isang kulturang popular, sa halip na magrally ay pangarapin na sana ay totoo si santino, na mayroon ngang darna, na ang pagibig ay wagas maging sa mga hindi tao. ganito na tayo nahubog ng lipunan, kung hindi manonood ng mga ganitong palabas ay makikinig sa ating mp3 player ng mga kantang kung hindi pag-ibig ang tema ay pagtatalik, halimbawa nito ang first date sex ng isang kilalang rapper sa amerika. ang mga kantang tila ba nagmumukhang post-modernismo ang istura. kung hindi naman ay mahuhumaling tayo sa paglalaro ng mga online games at mga social networking tulad ng facebook (maaaring tingnan ng mambabasa na ipokrito ako dahil gumagamit ako ng facebook, subalit tulad ng sinabi ko kanina, walang masama sa siyensya, napasama lamang ito ng kapitalista). ganito na tayo, nasanay sa mga fastfood chain, mga mablisang gamot at pagkaing GMO (o mas kilalang Genetically Modified Organisms). sa "bombardment" ng iba't ibang produktong kapitalista, nagiging malabnaw at apatetiko ang mga mamamayan. dahil sa bombardment ng mga produkotng nanganagako ng pagakyat ng status quo ng mamamayan, nawawala ang pagiging "tao" ng tao. ito na marahil ang repleksyon ko sa kotasyong aking nabanggit kanina. kapag tayo ay natali na lamang sa ganitong mga produkto, makakalimutan na natin ang mga batayang pamamamaraan para mabuhay. ang ating nakukuha ay hindi na pangangailangan kundi mga itinakdang kagustuhan ng mga kompanya para sila ay yumaman, mga luhong hindi satin nagbigay ng pagtaas ng ating potensiyal bilang tao, bagkus ay nagpalala sa ating sitwasyon. maging makinang uniporme ang pagkilos, manatiling walang pakiealam sa mga batayang sosyo-pulitikal na mga isyung tayo ang sangkot.


marahil ay hanggang sa ngayon, ang tingin natin sa lipunan ay industriyal, dahil tayo ay nagtatamasa ng ganitong mga kagamitan, ito ay mali, tayo ay nananatiling atrasado, ang mga produktong tinatangkilik natin ay hindi mula sa ating, ang kulturang ating niyayakap ay kultura ng dayuhan. ang kaisipang ating ginagamit ay kaisipan ng indibidwalistang naghaharing uri, at taas noo nating sinasabing atin ito(marahil kung ako ay binatikos kanina sa talata sa taas, ito marahil ang ipokritong aking sinasabi). ito ang kulturang kailangang palitan, ang kailangang wakasan, ang kailanagang labanan, ngunit paano?? paano nga naman lalabanan ang kulturang ito??


ang kultura, ideolohiya ay repleksyon ng isang superistrukura na kung saan dinodomina ng naghaharing kaisipan, kung sa konteksto sa ngayon, ito ay minamanipula ng naghaharing uri, ng burgesya, ng kapitalista ng mga mapagsamanatala. mula sa eknomiya ay napapatagos nila ito sa pulitika a kultura, para wakasan ito, ay dapat wakasan ang pamamayagpag ng naghaharing uri sa ating bansa! sa eknomiya nakaugat ang mga ito, habang ginagamit ang pulitika para makapanitili ng kolonyal na paghahari, pinapanatiling pasibo at tahimik ang mamamayan sa tulong ng kultura, sa isang maling kaisipna(false conciousness). nangangailangang baguhin ang kultura, kailangang wakasan ang kolonyal na paghahari sa ekonomiya pulitika at kultura!! kaialnangang wakasan ang industrya ng kultura at magkaroon ng rebolusyong pangkultura!


ikaw? manonood ka pa ba diyan ng mga ganiyang palabas?? makikinig ka pa ba ng ganyang awitin?? mahuhumaling ka pa ba sa ganyang mga libangan?? mag-isip isip ka..........ano na ba ang dapat gawin?
____________________

Sobrang tagal ko ng hindi napapasok 'tong blogger na 'to. Wala lang, hindi ko na kasi nagugustuhan nag mga laman nito. Edi para magkaron naman ng matinu-tinong mababasa, ayun eto. Reblog. Galing sa pinakamamahal naming ama, ELIAS is going to smash you. 

January 29, 2010

Following



Dahil sobrang epal ko lang talaga at mahilig magkakalkal ng kung anu-anong meron dito sa cyberspace, ayun may nabasa ako. Hindi naman siguro masamang mabasa ko sya, public post nga e. Hehe. Wala lang, kung ano man 'yun, nalungkot lang ako para sa kanya. Hindi ko sya kilala at lalong hindi nya. I read about her dejected love story and it seemed very, very depressive. Apektado? Haha. Mukha kase syang kakaiba, pero nung mabasa ko 'yun katulad din pala sya ng nakararami. Average girl na produkto ng lipunan, pero quite smarter than anyone. At 'yun nga ang sa tingin ko'y mali sa kanya. Nahihirapan syang ipakita kung ano talaga sya dahil she's been set into the standards (hindi ko sya kilala. Haha) and showing what she merely conceits is hard for her. Oh di ba, wala akong kasing epal. Ano kayang pakiramdam ng crinicriticize ng hindi mo alam? Haha. Syempre walang ganun dahil you obviously didn't know that you're being criticized --by someone you simply don't know. Hahaha.

Gusto kong makipag-usap sa ganitong klase ng tao, baka sakaling mahawa ako sa humor at hahawaan ko sya ng pagpapanibagong hubog. Pagbabanibagong what? Hehe. Epal. 

Stalker here.

January 27, 2010

Rebound?


No, hindi ako fan ni Gerald Anderson at lalong hindi ni Kim Chiu. Nakakaintriga lang 'yung pelikula nila. Haha. Mukhang maraming makakarelate at tiyak na bebenta 'to. Kahit ang korni ng pag-iyak ni Kim Chiu at mukhang di totoo, tol nangyayari talaga sya. Kasing O.A ng kapatid ko umiyak. Haha.

Anyways, bakit naisipan kong maipost 'to dito? Unang-una hindi kao nakakarelate. Hehe. Pangalawa natuwa lang ako sa sitwasyon dahil mukahang talamak na talamak na kasi 'to ngayon sa mga kabataan. Mag best friends daw pero laging merong isa na mas higit ang nararamdaman. Pa'no nagiging mag best friends ang dalawang magkaiba ng kasarian? Anong nagiging batayan? Haha.

This scenarios reminds me of high school days. Mairerelate ko sya dun sa mga "tulay", na sa huli ang tulay at ang tinutulay ang nagkakainlaban. Haha. At kung hindi ako nagkakamali, nauuso ang pagiging mag best friend ng dalawang taong kumplikado ang sitwasyon. Kumbaga sa status, It's Complicated. Hindi kayo pero parang kayo. Wala nga namang malisya dahil mag best friend lang kuno kayo. Hahaha. (Oh, nakakarelate na ba ko? Haha) Oh sige na, nangayri sa'ken 'to pero naman, ang bata ko pa non. Haha. Pero nung mga panahon na 'yun, para sa'ken that's the sweetest thing a guy could do. Haha. Lol. Sa ngayon, isang malaking biro na lang ang lahat. Haha. Kalokohan. Ni hindi ko na maisip kung bakit ko sya nagustuhan. Haha. Puppy love. At natutuwa naman ko dahil hindi kame poser na mag best friend. Tawa na lang. Haha.

Ayun, pa'no nga kaya? Ano kayang naging ending neto? Mapanuod nga. Haha. Errr.

Uniform-ity


Isa sa madalas kong problemahin ang susuutin ko sa t'wing papasok ako. Mahirap ang walang uniform sa tulad kong hindi naman ganoon karami ang damit. Pero ayos lang, para sa uniformity nga lang naman ang uniform. Hehe. Para sa pagcacategorized ng schools o universities. Para sa pagkakakilanlan.  Dala-dala ng taong nakasuot ng uniform ng isang partikular na unibersidad ang imahe nito. So? Matagal ko nang nabili 'tong damit na 'to, sa Divisoria. Pero ilang buwan ko lang na inimbak 'to sa cabinet dahil narealize ko pagkatapos ko 'tong bilhin na mukha akong sasayaw. Haha. Sayang ang 200. Ewan ko nga kung bakit ko binili yan, masyado lang yata akong natuwa dahil kulay green yung puso. Hehe. Napukaw agad nito ang paningin ko at maganda sya nung suot ng manikin. Hehe. Ayun, Hindi ko sya kinonsider na disenteng damit. Hehe.


Pero sa kasamaang palad, HINDI AKO NAKAPAGLABA. Wala na kong matinong masusuot. No Choice. Pero... ang kinalabasan ay hindi naman masama. Haha. Bagay naman pala. Hehe. Humingi na lang ako ng tawad sa damit ko na 'to matapos ko syang idiscriminate. Hehe. Pero mukha naman talaga syang pangsayaw at ito nga ang susuotin ko sa parody na gagawin namin ng mga baliw kong kapatid. :) Wala lang.


Dalawang taon na rin akong pumapasok ng nakasibilyan. Sa umpisa, patinuan pa ng hitsura, habang tumatagal, pa-feel at home na. Hindi nila pwedeng ipagbawal ang pagsoshorts dahil mag o-All Shorts Day kami pag ganun. Haha. Nasubukan ko na yata lahat ng hitsura. Magmukang tanga, disente, pormal, bagong gising at mag mukhang tibo. Hehe. Dahil dito rin yata kaya ako nagkainteres sa mga ukay-ukay. Hindi ako nagpapalda pero dahil sa ganda ng mga palda sa ukay, ayun naging kolektor ako (sa ibang usap na lang 'yung ukay. hehe. Ü).


May uniform man o wala, hindi 'yun ang mahalaga. Basta disente ka. Eh ano ba 'yung disente? Mahirap idefine yan. Fuck the norms. Hehe. Ang mahalaga, nakukuha ng mga estudyante ang dapat nilang makuha. Ang tunay na esensya ng edukasyon na matuto at mahubog bilang tao. Ano ba 'yung tao? ( sunod-sunod na tanong. Dahil ika ni Dr. Prudente, hindi mawawala ang problema ng aming unibersidad o ng kahit sino hanggat hindi tayo nagiging sosyalistang bansa).


Bow.

January 20, 2010

Sociology is...

To customs and beliefs, the very ones we hold sacred, sociology ruthlessly attaches the adjective 'arbitrary'.
-Aron, Raymond Claude Ferdinand
Politics and History.
It appears, then, that ethics, as a branch of knowledge, is nothing more than a department of psychology and sociology.
-Ayer, Sir Alfred Jules
  Language, Truth and Logic, ch.6.
What is it about sociology that instantly bogus down in fens of jargon?
-Baker, Russell Wayne
  In the NewYork Times,15 Dec.
Economics is all about how people make choices. Sociology is all about why they don't have any choices to make.
-Duesenberry,James Stemble
  In the National Bureau of Economic Research's Demographic and Economic Change in the Developed World.
Sociology is a new science concerning itself not with esoteric matters outside the comprehension of the layman, as the older sciences do, but with the ordinary affairs of ordinary people. This seems to engender in those who write about it a feeling that the lack of any abstruseness in their subject matter demands a compensatory abstruseness in their language.
-Gowers, Sir Ernest Arthur
  'Sociologese', in H F Fowler A Dictionary of Modern English Usage (2nd rev edn).
Sociology is the science of talk, and there is only one law in sociology. Bad talk drives out good.
-Knight, Frank Hyneman
Quoted in Paul  A Samuelson The Samuelson Sampler (1973).
With all allowance made for Marx's erudition and his historic impact upon the social sciences, especially sociology, it is as an art united with prophecy, virtually religious prophecy, that Marxism survives.
-Nisbet, Robert
  Sociology as an  Art Form, ch.5.
Sociology was born of the modern ardor to improve society.
-Small, AlbionW
  An Introduction to the Study of Society (with George E Vincent,1894).
Sociology seems to have missed every intellectually promising boat in the last half century.
-van den Berghe, Pierre L
'From the Popocatepetl to the Limpopo', collected in Bennett Berger (ed) Authors of their Own Lives (1990).
 

The creative act is not pure. History evidences it. Sociology extracts it. The writer loses Eden, writes to be read and comes to realize that he is answerable. 
Nadine Gordimer quotes (South African novelist and short-story writer, 1991 Nobel Prize for Literature, b.1923) 
We live in a society of victimization, where people are much more comfortable being victimized than actually standing up for themselves. 
Marilyn Manson  
Social movements are at once the symptoms and the instruments of progress. Ignore them and statesmanship is irrelevant; fail to use them and it is weak. 
Lippmann, Walter 
A good Christian is a good atheist, a good atheist is a good Christian. I'm a Christian.
Prof. Gerry Lanuza
History is, strictly speaking, the study of questions; the study of answers belongs to anthropology and sociology.
W. H. Auden


Naghahanap ako ng Sociology quote para sa org shirt. Ito ang ilan sa mga nakita ko, kaso yung pinakagusto ko mukang pwede na hindi. Haha. Anyways, gusto ko talaga sya. Hehe. Papagawa ako ng sarili ko. Kemekemerloo na lang. Hehe. 


May nagtext! Ang ate ko, nasa monumento pa lang daw sya. Sobrang trapik daw dahil may mobilisasyon dun sa monumento ni Boning, hehe. Alaskwatro ang pasok nya at limang minuto na lang ang natitirang oras. Pero keri lang daw, ang hindi nya makeri ay 'yung mama daw sa likod nya. Minumura daw 'yung mga nasa mob o mga 'aktibista', tuwang-tuwa pa raw dahil may bumbero at bubombahin sila. Natawa ko sa text nya, natutuwa ako sa karakter na ipinakita ng nakakatanda kong kapatid. Hindi na rin katulad ng iba. Haha. Sabi nga nya, inosente daw kase 'yung mama at natutuwa ako dahil hindi sya kabilang dun. Inosente nga siguro si manong o mangmang, pero hindi pa rin nya kasalanan 'yun. Ang mga taong katulad ni manong ay biktima lang ng bulok na sistema ng lipunan, katulad ko at katulad mo. Pero ang bulok na sistema ring ito ang gigising sa monopolyadong pag-iisip ng mga tao. Charr. 


Ayun, naghahanap pa rin ako. Hehe. Meron ka bang maisa-suggest dyan? Share naman.

January 17, 2010

Babuyan na 'to!


Bago pa man ako magsimula sa mga gagawin ko, gusto ko munang unahin to. Habang busy-ng busy ako sa pagkokompyuter dito, galit na pumasok ng bahay ang tatay ko galing sa labas at may dala-dalang isang supot ng monay. Tinanong ko kung bakit, iritable nyang sinagot ang tanong ko, kinausap daw nya 'tong intrimitida naming kapit-bahay. Pa'no, tinatanong raw sya kung ano pang business nya (akala ko may kinalaman sa monay ang problema nya, hehe) na nakakapagtaka. Parang gusto kasing palabasin nitong kapait-bahay namin na bagong lipat na may iba pang ginagawa ang tatay ko bukod sa pagtitinda ng baboy. Alis daw kasi ng alis ng bahay (ako naman, parang HUH? pati ba naman 'yun pinoproblema nila? kaya alis sya ng alis dahil binabalikan nya ang mga customer nya na may utang), kwinestyon pa nga nitong ale na 'to 'yung ipinasok daw naming dalawang kahon noong nakaraan dito sa bahay, jusme! Tangena, 'nung marinig ko 'yun pati ako nagpupuyos na sa pagkairita. Eh 'yung dalawang kahon na 'yun ay kahon ng binili naming speaker bago mag bagong taon. Parang tanga lang. Ang pinangangamba ng tatay ko, baka raw bigla syang ipadampot ng mga 'to na dala ang kung anu-anong subjective na impormasyon eh kawawa naman kami. Ang nakakainis pa wala naman syang dapat na ipaliwanag sa hinayupak naming epal na kapit-bahay na 'to. Sila lang yata ang hindi nakakakilala sa tatay ko dito sa Valenzuela. Kung anu-ano na kasing naging negosyo ng tatay ko rito, mula sa pagkakarinderya namin noon, paglalako ng isda, gulay, manok at ngayon ay baboy, naikot at nabentahan nya na yata lahat ng kalapit na barangay namin dito. 

The nerve lang talaga 'tong kapit-bahay namin na 'to. Subukan lang nilang chuvahin ang tatay ko, good luck na lang sa kanila. Mukhang nakakaramdam akong lilipat na nman kami ah. Haha. Dyan lang sa may baba. Haha. Lol.