Showing posts with label cold christmas. Show all posts
Showing posts with label cold christmas. Show all posts

December 25, 2009

Ibalik Si Kristo Sa Pasko


Mukhang huli na ko para sa pagpopost ng mga kaganapan sa buhay ko. Haha. Pero ihahabol ko pa rin. Medyo naging busy yata ang linggong 'to kaya ang sinasabing break ay hindi ko pa rin nararamdaman. Pero yun na nga siguro yun. Haha. Busy sa kakaattend ng mga party-party, celebrations at pagliligpit ng magulong bahay.


Pasko na. Ang pinakamasayang holiday na inaabangan at pinaghahandaan. Ang pasko daw ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Oo. Kaya paglalanding na sa -BER ang buwan, simulan mo ng mag-ipon para sa mga regalo. Ewan ko a, pero sa mga kabataang mas bata pa sa tulad ko, ang pasko ay walang iba kundi pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo. Kailangan bigyan ng regalo si ganito kase pasko, binigyan ako ni ganito kaya bibigyan ko rin sya. Sa mga mababaw mag-isip, nakapagtatampo pag wala kang natanggap mula sa inaasahan mo. Sa madaling salita, minsan ang pasko ay tungkol sa mga REGALO, mas inaabangan pa nga si Santa Claus. Magbibigay ka kase umaasa kang may kapalit yung ibinigay mo, exchange gifts. Kadalasang nawawala yung esensya ng pagbibigay. Soo commercialized. Iilang bata ba ang nakakaalam na kaarawan ni Kristo ang Pasko, na ang ipinagdiriwang ay KANYANG kaarawan at hindi ang pag-aabang sa regalong ibibigay ni Santa Claus. 

Sa ilang gabi ng isinimba ko, ang sermong ito lang yata ang nagustuhan ko. Ibalik si Kristo sa Pasko. Napakaraming bahay ang may bonggang dekorasyon, maraming makukulay na ilaw, kendi, mga reindeers at syempre si Santa Claus. Pero ang pinakamagandang dekorasyon siguro na maipakikita mo sa tao, ang Belen. Bihira na lang din ang naglalagay nito. Puro si Santa Claus lang kase ang ino-offer ng mga kapitalista. Haha. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa t'wing magpapasko kailan laging merong bago. Kelan ba nagsimula yun at sinong nagpauso? Minsan nga lang naman sa isang taon, Christmas is the time to spoil ourselves, kaya nga the best sa lahat ng breaks. Madali ring mang-uto. Panahon nga kase ng pagbibigayan. Ah basta, kung ano pa man yan, si Bro lang ang Star ng Pasko at walang regalo ang hihigit sa pamilyang kumpleto.

PASKUHAN 2009


Taon-taon idinaraos ng aming unibersidad ang aktibidad na 'to. Ang Christmas Party ng mga batang kapit-bahay ng pinapasukan namin. Natuwa ako noong nakaraang taong nakibahagi ako rito, pero mas natuwa ako ngayon dahil naging 'useful' ako sa program na 'to. Haha. Limang bagsak para sa tagumpay ng task ko. :) Bukod doon, napatunayan kong mahilig talaga ako sa mga bata. As in bata. Mga batang magugulo, takbo ng takbo, parang mga linta kung kumapit, sobrang sasaya at biglang iiyak ng hindi alam nag dahilan, biglang hahanapin ang magulong, maiihi, tutulo ang sipon, madadapa at hindi makausap ng matino. Pero hindi ako nayamot. Ang pag-aalaga sa kanila ay kinaaliw ko. Isang challenge para saken ang mapangiting muli ang batang kagagaling lang sa iyak, mapagsalita ang batang nahihiya at nakakaulol kayang manghabol ng mga batang iba-iba ang direksyon. Haha. Nakakatuwa ring makipag-usap sa mga batang ka-level mo na mag-isisp. Iba talaga ang point of view ng mga kabataan sa community, mulat sa realidad.

Sa kalahating araw ng pakikipaglaro sa kanila, sa huli mo na rin mararamdaman ang lahat ng pagod na nararamdaman mo. Ang uhaw, gutom at amoy ng natuyong pawis. Isang araw ng tagumpay. 

 WILD CONFESSIONS

bago umalis ang mga babes
 barkada picture
jump shot sa court

bago matulog. hindi mapakali e

goodmorning!

Hindi nga siguro buo ang klase  kaya sa Christmas Party na inihanda namin ay kami-kami lang din. Ganun pa man, Happiness is a choice daw, then I chose to be happy (just for this day). Overnight hopping is a teenage thing. Literally overnight dahil iilan lang ang tunay na makakatulog at isa sa mga yun. Haha. Salamat sa dalawang katabi ko dahil ang lalambot nila at nakatulog talaga ko ng maayos. 


Para hindi ma-bore at manatiling masaya sa kinalalagyan, wala na sigurong mas nakakaaliw pa sa spin-the-bottle. Haha. Hindi ka makakatakas sa pagsisiwalat ng mga bagay na matagal mo nang itinatago at masyado talaga kong natuwa sa mga natunghayan ko. Haha. Dahil dun, lalo ko lang naappreciate na napakaswerte ko dahil ako ang mahal mo. Hahaha. Ang isa pang nakakatuwa, hindi kase ordinaryo ang mga usapan, isang gabi ng mas malalim na pagkakakilanlan, isang gabi ng kakornihan at iisang paninindigan.


Masyadong naging masaya ang isang gabing "party" kuno na 'to para sa 'min. Pero mas magiging masaya kung kumpleto at hindi na grupo-grupo. Darating din kami sa puntong yan and I'm looking forward to it. Sa susunod na taon hindi na lang ang mga mukhang yan ang makikita nyo. Haha. Wish me luck for that.


Merry Crisesmas.

December 17, 2009

Impyerno



sa kanya galing 'to.

Sa loob ng isang linggo, hindi lang isa o dalawang balita tungkol sa sunog ang narinig ko. Narinig lang pagkat hindi ko tinututukan. Hindi ko na gustong makita ang mukha ng mga taong nasalanta at umiiyak sa paghingi ng tulong sa inaasahang gobyerno na wala rin namang maibibigay. 

Pauwi na 'ko galing skul, napansin kong hindi ordinaryo ang trapik sa dinadaanan ko. Pag sumilip ka sa labas, makikita mo ang patung-patong na mga yerong itinabi ng mga tao. Nagwawalis ng abo at kinukuha ang maari pang pakinabangan. Nagkasunog pala. Hindi ko alam. 'yun lang ang mga tagpong hinayaan kong makita. Sinarado kasi ang daan nung araw na 'yun at kinailangan pang umikot. Sa paglampas ng dyip namin roon, naglaro sa isip ko ang mga ordinaryong eksenang nasasaksihan ko tuwing mapapadaan doon. Ang maliit na batang nagtatakbuhan sa tapat ng kanilang mga bahay, hindi nababahala na baka masagasaan ng mga sasakyang dumadaan. Sukat na sukat nila ang kanilang lugar at mumunting palaruan. Ang mga tent ng patay, palaging may lamay. Titignan ko palagi ang sukat ng kabaong at madalas ay mukhang bata ang pinaglalamayan. Mga nagbabasketbol gamit ang maliit na bolang hindi angkop sa edad ng mga naglalaro, mga tambay sa karinderya at mga nagvivideoke. Ganoon nag mga eksena sa kanilang normal na buhay. Naisip ko lang, may makikita pa kaya akong ganito matapos ang mala-impyernong sunog na tumupok sa kanilang mga improvised na bahay?

Nang sumunod na araw, pinagmasdan ko ang lugar, wala akong nakitang mga bata, mabuti't wala ring nakaburol. Hindi ko alam kung may namatay, sana'y wala. Kapansin-pansin ang pagliwanag sa lugar, pero kapansin-pansin rin na tila parang walang nangyari. Ganun pa rin ang atmosphere. Isa lang ang tanong na naiwan sa isip ko, "Asan kaya sila, magpapasko?".

Nasa kalahati na ko ng byahe nang makarinig kami ng malalakas na ugong ng fire trucks. Sa daan namin ito papunta, lingunan ng lingunan ang mga tao. Tila natataranta. Hindi pa man nakikita ang pangyayari ay alalang-alala na para sa mga  biktima. 

Sa pagtuloy ng byahe, inabot pa namin ang eksena. Hindi ko makita nag malaking apoy dahila nasa dulo ako ng dyip. Gusto ko ring makita, pero ayoko. Matagal, medyo matagal. Wala ng dyip na nakasunod sa amin, blangko na ang hi-way, maraming tao ang nakatango at sinasaksihan ang paglamon ng malaking apoy sa ilang mga bahay. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bumbero. Nang tila wala ng pag-asang makadaan pa, umiikot na aming sinsakyan and a glimpse of that fire crashing scene takes my eye. Parang malaking siga ng uling. Pumikit na lang ako. 

Nalulungkot ako sa mga nasaksihan ko, lalo't heto nga't magpapasko. Sa hirap na dinaranas ng mga pilipino, mahalagang kahit bahay lang ay meron ka. Pa'no pa ngayong wala na ngang panghanda, wala pang bahay na matutuluyan. Saan nila pasisilungin ang mga anak sa literal na lamig ng kapaskuhan? 

Sa huli, sa teknikal na pagsusuri ng mga eksperto sa pinagmulan ng sunog, lalabas na kasalan ang hindi pag-iingat. Pero kung titignan mo sa mas malalim na aspeto, uugatin nito ang sosyo-politikal at kultural na kalagayang meron tayo. Kultura pa rin babagsak. Walang ibang dapat sisihin sa mga sakuna kundi ang tatlong salot. 

Ikaw, ano sa tingin mo?

December 16, 2009

The Cold Season


Quiet Christmas photo here

The Christmas season literally gives this cold atmosphere which makes us really feel that this holiday is in. The cold water in the faucet every morning makes me ask for warm fluid, a jacket for a rushing cold wind while commuting and a blanket for a cold night.

Lukewarm water, a jacket and a blanket were all instruments to achieve that warmth we want but what make our cold hearts warm is the love we ought to have. I think all wishes their families to be complete every holiday. For me, there's no such important thing in the Christmas Eve but having your family complete. Pompous feast is secondary. 

We've been spending our December holidays for almost three years without our mom. And that three years is hell for us. We received fancy gifts from her but we'd rather not have all those, luxury will not give us the warmth, her warmth. But because of the rotten system existing in the society, she's forced to leave us. We don't know for how long she'll be that far and as long as she's far, the hell our situation is.  

All I want for Christmas is you.
Cold Christmas.