November 26, 2009

Random


Mga sangang pasulpot-sulpot katulad ng pag-iisip kong tutulog-tulog

Walang pasok ngayon, our own university President declared today as Holiday for the Ampatuan Massacre. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano, maraming nakapilang exams ngayong araw na 'to para sa amin pero hindi matutuloy. Dapat ba 'kong matuwa dahil wala akong naaral na kahit ano? Hmm, nasayang lang 'yung isang araw. Para sa'kin walang silbi 'tong pa-holiday holiday epek niya para makisimpatya sa nangyare, per sa isang banda parang pwede na rin atleast nakapagpakitang-tao pa sya. Kahit pala demonyo ay nahahabag din, pero hindi pa rin. Tulad nga ng sinabi ko kahapon, BOR meet din ngayon, alam na. Ni hindi nga alam ng karamihan sa mga estudyante kung bakit walang klase. Wala lang, wala lang pasok. Mas maganda siguro kung mas patataasin nya 'yung consciuosness namin hinggil dun sa nangyari pero syempre hindi nya 'yun gagawin. Mga tuta talaga oh.

Wala na namang magandang nangyari sa araw, sana sumama na lang ako ng mob. Nasayang lang 'yung pagsesave ko ng baon ko para sana sa araw na 'to. 

Nakakatamad ring magkikilos dito sa bahay; tagahugas ng plato, tagalaba, tagasaing pero hindi tagakaen. Araw-araw ganito lage. Nakakasawa. Si Sara Bareilles at Regina Spektor lang ang kaligayahan ko. Ang gara nga ng buhay ng tao, buong buhay naten nag-aaral tayo. Nasa sa'yo kung pa'no mo lang dadalhin. Kung magiging boring o cool, parang ako... ang boring. Hehe. Walang bago. Gigising ng maaga, babyahe, papasok, makikipagkulitan, kakaen, uuwe, magpupuyat at matutulog. Boo.

Walang kalinya-linya mga naiisip ko ngayon, siguro dahil gutom ako. Pakiramdam ko naiinis ako. Hehe. Oo, naiinis nga ko, saan? baket? Ewan. Arrrgh! Dahil hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko? As long as you live in a society, you can never be free. Chuuva lang, nde 'yon. Namimiss ko na 'yung pakiramdam ng walang masyadong iniisip, pero dahil ganito ang sitwasyon, hinihingi ng kalagayan na mag-isip ako. Nakakastress. 

Oh sige na, magbabasa na lang ako.. ng maraming maraming libro. Pwedeng pahiram?

Happiness



Bakit ba? Masaya lang ako. Haha. Kuha ko yan kaninang umaga paggising ko. Siguro maayos lang ang tulog ko. Si-net ko na 'yung sarili ko sa isang mahaba-habang gawain ngayong araw. Pero dahil walang ink, hindi ko nasunod ang mga plano ko. Wala akong nasimulan at wala akong natapos. Well, nakapag-blog ako. Hahaha. Soo much for this day.

Wala yata akong ginawa buong araw kundi titigan 'tong page ko. Kahit na mas mahalaga ang laman, gusto kong maging maganda rin ang panlabas na kaanyuan.
Sinubukan kong basahin ang ilang pahina ng RA 9520 dito sa pc, pero di man lang ako nakaalis sa page one. Haha. Sinubukan ko ring magresearch para sa Human Rights pero hindi rin ako tumagal, hindi ko mahanap yung gusto kong sagot. Haha. May isa lang, mukhang pwede na, ang esensya raw ng pagiging tao ay tungkol sa "pleasures". Sa simpleng pagkakaintindi ko, mas pinipili ng tao ang isang bagay kung saan maluwag ang kanyang pakiramdam. Kung saan sya makararamdam ng kaligayahan. Konek? Wala lang, mas natuwa akong magblog kesa buksan 'yung notes ko sa Statistics. Haha. 

Mga bandang alas kwatro, inaya ako ng tatay ko sa monumento para ipaconvert 'yung printer naming maluho sa ink. At syempre isusugal ko na naman ang buhay ko sa pag-angkas ng humaharurot na motor. Medyo kinabahan ako (hindi sa byahe kundi sa mangyayari sa buhay ko kinabukasan dahil mukhang wala akong magagawa), mukha kasing matagal-tagal 'yun. Pagdating doon, dyahe, daming nagpapagawa. josme. Tinubuan na ko ng ugat sa pagtayo, ginutom at inantok. Mga alasais natapos. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya ito agad ang nais kong mahawakan pagdating ng bahay. Bago ko pa man maabot nag cellphone ko, in-update na ko ng kapatid ko, wala raw kaming pasok bukas dahil nag aanounce ang magaling naming presidente ng holiday. Makikisimpatya umano sa Ampatuan Massacre. Lol. Does it make any sense? Hindi naman lahat ng estudyante maapreciate 'to. Magsisifacebook lang yan. Mas maganda siguro kung patataasin nya ang consciousness ng mga estudyante hinggil sa nangyari. Isa lang 'tong malaking palabas, BOR meet na kasi at siguradong susugurin na namn 'yun ng mga estudyante at para maiwasan 'yun ay ay kailangan nyang magdeklara ng holiday. Hanep no. astig talaga si Guevara. Tutang bongga.