November 24, 2009

Halo-Halo



Ang dami ko pang kailangang gawin pero inuuna ko pa rin 'to. Hehe. Hindi pa ko nagtatanghalian at hindi pa rin ako nakaklaigo, mamayang gabi na siguro, bago matulog. Haha. Buti nga pala at may tubig na rito. Nakapaglaba rin nakakapaghugas agad ng plato. Kagabe, naalala ko... Doon sa terminal ng jeep na sinasakyan ko pauwi, mayroong malaking magkapatong na speakers na sasalubong sa'yo bago makapila, may napansin akong "For Sale Original. 100php", nagtaka ko sa nakita ko, ang mura naman nun. Naisip kong sabihin agad sa tatay ko pagkauwi, nararamdaman kong mapapasaamin ito. Hahaha. Ang lakas pa ng tugtog nito. 
Pagkauwi ko, masaya ako dahil walang batang nakaupo sa sa harap ng kompyuter namin. "Ayos nauna ko sa kapatid ko! yess", tuwang-tuwang sabi sa sarili at nakalimutan ko nga yung tungkol sa malalaking speakers na yun. Nang makauwi ang kapatid ko, syempre pinamadali nya ko, gagawa raw sya ng assignments. Okay, dahil nagsawa na rin ako pinaubaya ko na sa kanya at kumain na kami ng hapunan. Maya-maya naalala kong bigla ang speakers na yun, naikwento ko sa tatay ko at paniwalang-paniwala sya sakin. Agad syang nag-aya na puntahan namin dahil maaga pa naman at sinisigurado nya ko at siguradong-sigurado naman ang stand ko. Nilabas nya ang motor at minadali ako, hindi na nga ako nagsuklay. Haha. Sa pagbaybay namin ng daan palabas ng village namin, natuwa ako sa mga nakita ko, isang grupo ng mga lalake (mga tambay ata) at may bata pa na naliligo kung saan nakalitaw yung tubong hindi pa inaayos ng mga nagkalkal. Natuwa lang ako. Haha, sayang at hindi ko nakuhaan ng litrato. Kahit nakakaawa ang sitwasyon naming mga tao rito, hindi ko pa rin mapigilang mangiti pag nakikita ang mga ganung eksena, merong nagdadala na ng mismong pitchel (ewan ko kung pang-inom nila yun. goodluck!), mga planggana at dun na naglalaba. Haha, yung tatay ko nga noon, kinabit yung hos duon para di na sya magpakahirap na mag-igeb. Haha. Sugapa. Buti't walang umaaway sa kanya.
Malapit-lapit lang naman yung terminal, nasaktuhan naming walang masyadong sasakyan kaya't ang bilis-bilis ng takbo namin. Tuwang-tuwa naman ako dahil feel na feel ko ang malamig na hangin. Nuong nagpapark na kami, medyo kinabahan ako, hindi ko na sya sinabahan. Kinutuban ako at naisip ko bigla ang isang tindahan pagkalampas dun sa mga speakers, tae tsaka ko lang naalala. Mga CD's pala yung tinda. Ahahahaha. Nakangiting papalapit sakin ang tatay ko, sa isip-isip ko yari ako nito pagdating sa bahay. Mabuti na lang at nagkalat ang mga trak ng nagrarasyon ng tubig, haha. At nakalimutan nya kaagad ang nangyari. Hahahaha. Shonga talaga, kami na lang ng mga kapatid ko ang nagtawanan. Hindi kase nagbabasa. Haha. Ayan. Sa akin ang lahat ng benefit, parang nagpa-joy ride lang ako. Haha.


Oras ng Santino noong umakyat ako sa kwarto, syempre makalat na naman kaya bago ko magsulat sa Diary ko, iniligpit ko muna lahat ng nakakalat sa muka ko. Nang nakapormang-nakaporma na ko sa pagsusulat ko, hindi ako mapakali. Iniisip ko yung mga kuting na natutulog sa ilalim ng kamang pinupwestuhan ko. Ayun, kinuha ko sila at itinabi sa gilid ko. Umiyak ng umiyak, narinig tuloy ni Cutie (yung nanay ng mga kuting.) pero hindi nya naagaw sa akin. Sya ang napilitang humiga at tumabi sa mga anak nya. Haha. Hindi ako makapagconcentrate dun sa ginagawa ko. tiningnan ko lang ng tiningnan yung mga kuting at piniktsuran ng piniktsuran. May mga mata na sila, pero hindi pa ganap na nakakakita. Hanggang sa naawa ako at ibinalik ko na sila sa bahay kuno nila. Pumwesto uli kao sa pagsusulat at inantok naman ako. Harr. Hindi maawat na antok, kaya ayun natulog na lang ako. Hehe. Pero nung matutulog na ko, hindi na naman ako mapakali, hindi na yata ako sanay ng walang nababasa bago matulog. Binasa ko saglit yung reading book na nasa tabi ko, haha. Wala lang. At naisip ko na naman yung Cooperatives professor naming nilayasan kami kanina dahil sa pesteng assignment sa statistics. Nakakahiya 'yung ginawa namin. Hindi na mababago yung pagtingin nyang 'yun samin. Kaya kailangan naming mag-aral at basahin ang buong artikulo ng discussion namin. nyarnyar. Haay. Ayun, at sana managinip ako. Namimiss ko na yung mga weird dreams ko. Hehe.

ayun, wala lang. halo-halong kwento.

New Moon: A Nightmare




Napakaraming showing na pelikula ngayon; may 2012, Paranormal Activity at syempre ang New Moon. 'Yan ang tatlo sa mga kilalang pelikulang ipapalabas sa takilya sa tulong media. Walang sawang pag-eere at nagkalat na posters o adds saan mang mall ka magpunta.

Noong November 20 bandang alasais ng gabi, dumaan kami ng Trimona (Trinoma, pero i used to call it that way, hehe. mga fx drivers kasi) para makigamit ng libreng wifi at sa pagpasok namin ng mall, isang napakahabang pila ang tumambad sa amin. Naisip ko tuloy kung anong meron at ganoon na lang kahaba ang pila na umabot pa sa lobby? Napag-alaman kong showing pala ng New Moon. Okay. Habang nakaupo ako at hinihintay matapos ang ate kong nakikigamit ng wifi, pinagmamasdan ko lang ang pilang humahaba pa. Humahaba at humahaba. Inobserbahan ko rin kung sinong mga nakapila. Karamihan ay mukhang mga mayayaman, may mapuputing kutis na pinagtyatyagaang pumila ng napakahaba makapanood lang ng inabangan at pinanghandaang pelikula, yung iba mukhang trip lang, may lolo pa nga yata akong nakita. Pero kasama sa karamihan syempre yung mga magjowa, mga ordinaryong nilalang na napaspasan at naakit ng media.



Mukha sigurong napaka-kj ko o ano bang pakialam ko sa mga taong 'to, nagtataka lang ako. Ano bang meron sa Twilight o New Moon na yan para pagkaguluhan? Medyo napanuod ko yung nauna, ordinaryong cheesy film lang naman. Sa tingin ko, kilig lang ang dulot nito sa tao pero siguro nga yun din ang pangunahing dahilan kung bakit hook na hook ang mga tao, dahil ito ay ordinaryo at pilit na ipinamukha sa mundo na maganda ito at hindi dapat palampasin ng mga tao. Hindi ko nga siguro maiintindihan ang mga taong ito dahil hindi ko naman nabasa o napanuod ang Saga na 'to. Patok na patok. Kahit saan ako magpunta, New Moon, New Moon ang naririnig ko. May mga kwentong lungkot na lungkot kasi hindi nakapanuod at sa National Bookstore narinig ko ang isang babaeng, kukumpletuhin nya raw ang libro pero kahit isa wala pa syang nahahawakang ganito (dakilang epal, haha. narinig ko lang sa cashier, di maiwasang bumulusok ang radar ko, new moon daw e. haha) at 'yun pa pala ang isang punto ko, hindi nga siguro alam ng  lahat ng nakapila doon na galing ito sa libro at mas matutuwa siguro sila kung nabasa nila ito. Pero wala na kong magagawa sa bagay na 'yun, nagtagumpay na naman ang mga kapitalista sa pag-iimpose ng mga kaisipang hindi naman mahalaga. Panalong panalo. 'Yung ibang estudyante siguro nagtiis pa ng gutom makasabay lang sa uso at makapanuod ng naturang sikat na palabas. Wala na ngang makain, sumusine pa.

Pa'no kaya kung nagshowing 'yung "DUKOT" sa mga sinehan? Pa'no lang naman. Hahaba rin kaya ng ganyan ang pila ng mga tao, pagtutuunan kaya ng pansin ito? Syempre hindi, kasi hindi ito iaalok ng media. Hindi naman uso sa kanila ang magpalabas ng mga bagay na makakapamulat sa mga tao ng kanilang tunay na kalagayan. Imposible.

Ang goal ko ngayon, alamin ang esensya at aral na makukuha sa Twilight o New Moon, para maging objective naman ang mga pinagsasabi ko at manood ng maraming indie films.

Latest: Rome and Juliet.