Showing posts with label delusion. Show all posts
Showing posts with label delusion. Show all posts

January 17, 2010

Babuyan na 'to!


Bago pa man ako magsimula sa mga gagawin ko, gusto ko munang unahin to. Habang busy-ng busy ako sa pagkokompyuter dito, galit na pumasok ng bahay ang tatay ko galing sa labas at may dala-dalang isang supot ng monay. Tinanong ko kung bakit, iritable nyang sinagot ang tanong ko, kinausap daw nya 'tong intrimitida naming kapit-bahay. Pa'no, tinatanong raw sya kung ano pang business nya (akala ko may kinalaman sa monay ang problema nya, hehe) na nakakapagtaka. Parang gusto kasing palabasin nitong kapait-bahay namin na bagong lipat na may iba pang ginagawa ang tatay ko bukod sa pagtitinda ng baboy. Alis daw kasi ng alis ng bahay (ako naman, parang HUH? pati ba naman 'yun pinoproblema nila? kaya alis sya ng alis dahil binabalikan nya ang mga customer nya na may utang), kwinestyon pa nga nitong ale na 'to 'yung ipinasok daw naming dalawang kahon noong nakaraan dito sa bahay, jusme! Tangena, 'nung marinig ko 'yun pati ako nagpupuyos na sa pagkairita. Eh 'yung dalawang kahon na 'yun ay kahon ng binili naming speaker bago mag bagong taon. Parang tanga lang. Ang pinangangamba ng tatay ko, baka raw bigla syang ipadampot ng mga 'to na dala ang kung anu-anong subjective na impormasyon eh kawawa naman kami. Ang nakakainis pa wala naman syang dapat na ipaliwanag sa hinayupak naming epal na kapit-bahay na 'to. Sila lang yata ang hindi nakakakilala sa tatay ko dito sa Valenzuela. Kung anu-ano na kasing naging negosyo ng tatay ko rito, mula sa pagkakarinderya namin noon, paglalako ng isda, gulay, manok at ngayon ay baboy, naikot at nabentahan nya na yata lahat ng kalapit na barangay namin dito. 

The nerve lang talaga 'tong kapit-bahay namin na 'to. Subukan lang nilang chuvahin ang tatay ko, good luck na lang sa kanila. Mukhang nakakaramdam akong lilipat na nman kami ah. Haha. Dyan lang sa may baba. Haha. Lol.   

January 4, 2010

Your Other Half





The picture doesn't have to do with the title of the post ('coz it belongs to someone else's).  Well, anyway I'd just wanted it to be posted saying what it really means. The next big thing is now the BIG thing and no sudden feeling could come to revolutionize it.

Safe and secured.

January 3, 2010

And This Is How It Ends



"I think I used to be one of the protagonist people murmuring around, I think I really really get used to it."


No, I'm not. People talking through their eyes and glimpsing through yours makes their topic obvious and it sucks, additional bagahe if those people were your fellas and being around them makes you feel comfortable no more. Instead of insinuation and making fun of it, why not confront and be serious about it. 

Maybe, I'm just taking it seriously. Hope it won't take long. 

December 29, 2009

It's Just The Beginning




Finding the warmth in the side of your bestest friend in the cold breeze of Baguio seemed to be romantic in the eyes of people who do not know the relation between the two of you and a bit strange for the people you know who find you sweet for the  very first time.

I think I used to be one of the protagonist people murmuring around, I think I really really get used to it. Not because of popularity (I'm not even one), well it's some kind of a showbiz thing sometimes. Parang Krista Ranillo at Manny Pacquiao. Haha. 

I know it gets him feeling awkward after our friends spill what they were thinking about us after that Baguio Seminar. Honestly, I've been quite thinking of that too (the malicious minds of others), for it was really the first time that we went very sweet in our three day stay to Baguio but it was never the first time, he's always sweeter than you thought. Nakakainis lang, parang kahit simpleng pag-uusap mahihirapan kayong gawin dahil sa mga mata ng malilisyosong tao (ow, harsh), and worst you know at the back of their minds a torn-between-two-lovers idea is popping. Well, I have not seen ourselves, perhaps  we meet the boundaries that's why.

Not because you go out whole means you also go on every detail happening in each of you, there are things that certain people only understand. Pair pairs have their own language. Whatever malicious or deviant spirits surrounding around us, those don't go into my system. I don't care what the hell their thinking about us, what matters most is we knew what we really are and that we'll still be the BASH we knew from the start, the language we used to understand.


 photo grabbed here

November 24, 2009

Halo-Halo



Ang dami ko pang kailangang gawin pero inuuna ko pa rin 'to. Hehe. Hindi pa ko nagtatanghalian at hindi pa rin ako nakaklaigo, mamayang gabi na siguro, bago matulog. Haha. Buti nga pala at may tubig na rito. Nakapaglaba rin nakakapaghugas agad ng plato. Kagabe, naalala ko... Doon sa terminal ng jeep na sinasakyan ko pauwi, mayroong malaking magkapatong na speakers na sasalubong sa'yo bago makapila, may napansin akong "For Sale Original. 100php", nagtaka ko sa nakita ko, ang mura naman nun. Naisip kong sabihin agad sa tatay ko pagkauwi, nararamdaman kong mapapasaamin ito. Hahaha. Ang lakas pa ng tugtog nito. 
Pagkauwi ko, masaya ako dahil walang batang nakaupo sa sa harap ng kompyuter namin. "Ayos nauna ko sa kapatid ko! yess", tuwang-tuwang sabi sa sarili at nakalimutan ko nga yung tungkol sa malalaking speakers na yun. Nang makauwi ang kapatid ko, syempre pinamadali nya ko, gagawa raw sya ng assignments. Okay, dahil nagsawa na rin ako pinaubaya ko na sa kanya at kumain na kami ng hapunan. Maya-maya naalala kong bigla ang speakers na yun, naikwento ko sa tatay ko at paniwalang-paniwala sya sakin. Agad syang nag-aya na puntahan namin dahil maaga pa naman at sinisigurado nya ko at siguradong-sigurado naman ang stand ko. Nilabas nya ang motor at minadali ako, hindi na nga ako nagsuklay. Haha. Sa pagbaybay namin ng daan palabas ng village namin, natuwa ako sa mga nakita ko, isang grupo ng mga lalake (mga tambay ata) at may bata pa na naliligo kung saan nakalitaw yung tubong hindi pa inaayos ng mga nagkalkal. Natuwa lang ako. Haha, sayang at hindi ko nakuhaan ng litrato. Kahit nakakaawa ang sitwasyon naming mga tao rito, hindi ko pa rin mapigilang mangiti pag nakikita ang mga ganung eksena, merong nagdadala na ng mismong pitchel (ewan ko kung pang-inom nila yun. goodluck!), mga planggana at dun na naglalaba. Haha, yung tatay ko nga noon, kinabit yung hos duon para di na sya magpakahirap na mag-igeb. Haha. Sugapa. Buti't walang umaaway sa kanya.
Malapit-lapit lang naman yung terminal, nasaktuhan naming walang masyadong sasakyan kaya't ang bilis-bilis ng takbo namin. Tuwang-tuwa naman ako dahil feel na feel ko ang malamig na hangin. Nuong nagpapark na kami, medyo kinabahan ako, hindi ko na sya sinabahan. Kinutuban ako at naisip ko bigla ang isang tindahan pagkalampas dun sa mga speakers, tae tsaka ko lang naalala. Mga CD's pala yung tinda. Ahahahaha. Nakangiting papalapit sakin ang tatay ko, sa isip-isip ko yari ako nito pagdating sa bahay. Mabuti na lang at nagkalat ang mga trak ng nagrarasyon ng tubig, haha. At nakalimutan nya kaagad ang nangyari. Hahahaha. Shonga talaga, kami na lang ng mga kapatid ko ang nagtawanan. Hindi kase nagbabasa. Haha. Ayan. Sa akin ang lahat ng benefit, parang nagpa-joy ride lang ako. Haha.


Oras ng Santino noong umakyat ako sa kwarto, syempre makalat na naman kaya bago ko magsulat sa Diary ko, iniligpit ko muna lahat ng nakakalat sa muka ko. Nang nakapormang-nakaporma na ko sa pagsusulat ko, hindi ako mapakali. Iniisip ko yung mga kuting na natutulog sa ilalim ng kamang pinupwestuhan ko. Ayun, kinuha ko sila at itinabi sa gilid ko. Umiyak ng umiyak, narinig tuloy ni Cutie (yung nanay ng mga kuting.) pero hindi nya naagaw sa akin. Sya ang napilitang humiga at tumabi sa mga anak nya. Haha. Hindi ako makapagconcentrate dun sa ginagawa ko. tiningnan ko lang ng tiningnan yung mga kuting at piniktsuran ng piniktsuran. May mga mata na sila, pero hindi pa ganap na nakakakita. Hanggang sa naawa ako at ibinalik ko na sila sa bahay kuno nila. Pumwesto uli kao sa pagsusulat at inantok naman ako. Harr. Hindi maawat na antok, kaya ayun natulog na lang ako. Hehe. Pero nung matutulog na ko, hindi na naman ako mapakali, hindi na yata ako sanay ng walang nababasa bago matulog. Binasa ko saglit yung reading book na nasa tabi ko, haha. Wala lang. At naisip ko na naman yung Cooperatives professor naming nilayasan kami kanina dahil sa pesteng assignment sa statistics. Nakakahiya 'yung ginawa namin. Hindi na mababago yung pagtingin nyang 'yun samin. Kaya kailangan naming mag-aral at basahin ang buong artikulo ng discussion namin. nyarnyar. Haay. Ayun, at sana managinip ako. Namimiss ko na yung mga weird dreams ko. Hehe.

ayun, wala lang. halo-halong kwento.