Showing posts with label pleasure. Show all posts
Showing posts with label pleasure. Show all posts

January 13, 2010

Series of Unfortunate Events

 Ika-11 ng Enero 2010

Wala kaming pasok pero kailangan kong magpunta sa school dahil mag-aamend kami ng konstitusyon. 4pm pa ang call time pero nagdecide kami ni boy balbas na magkita ng ala-una sa LRT2 Recto Station para magreview sa Statistics dahil may long quiz kami kinabukasan.


Paalis na ko, gamit ko sana ang body bag ng ate ko dahil konti lang naman ang dadalhin ko, pero nung makita nya ito, sinabi nyang gagamitin nya raw at 'yung backpack ko na lang ang gamitin ko. Okay. Habang tinatransfer ko 'yung mga gamit ko, may ilang scenario ang pumasok sa isip ko. Pa'no kung masnatchan ako? Pa'no kung madale ang cell phone ko? Kaya hindi ko inilagay ang phone ko sa bulsa ng bag ko kahit na anong mangyari at imbes na backpack, sa harap ko lagi ito nakasabit. Pagdating sa stasyon, wala pa si boy balbas. Medyo matagal-tagal akong naghintay. Naaliw na lang ako dun sa mga bulag na tumutugtog. Amaze na amaze ako lagi pag napapanuod sila. Wala lang. Maya-maya dumating sya, kumain kami ng siomai sa Master Siomai at nagtake-out pa ng isang order matapos ay naisipan kong bumili ng Dunkin Donut; dalawang Bavarian at dalawang Choco Creme. Inilagay ko ang cell phone sa bulsa ko.


Paglabas ng stasyon, papunta na sa aming destinasyon, hindi pa nakakalayo. Narinig ko 'yung tunog ng binuksang zipper sa likod ko. Agad akong lumingon at may lalaking dali-dali kaming inunahan at patay malisya kahit na obvious naman na nagtangka syang buksan ang bag ko. 'Yun ang una at sinabit ko uli sa harap ko ang backpack. Nag-aabang na kami ng jeep. Sakto, walang nakaupo sa harap. May napulot kaming ID, taga-Baste. Itinago ko. Sandali lang ang byahe. Nang pababa na kami, hindi gaanong nakatabi ang drayber kaya't parang nagmamadali kaming bumaba dahil nagmamadali syang umandar, medyo mataas pa naman ang jeep nya. Nahuli kaong bumaba at medyo nahirapan ako. Naramdaman kong parang may nalaglag mula sa bulsa ko. Nasulyapan ko, parang cell phone ko yata 'yun, medyo nagkatinginan pa nga kami ni manong at mabilis syang... umandar? Red light nun, pero mukhang sumingit-singit na sya.. Mabilis ang pangyayare, malaki 'yung bag ko na yakap-yakap ko kaya hindi ko maisip ang gagawin. Pero,inisip kong baka nasa bulsa lang ng bag ko, o baka na kay boy balbas lang. Pero wala akong cell phone na nakita. Wala. Sinubukan pang habulin at hanapin ni boy balbas ang jeep, pero hindi na namin nakita. 


Tumabi na lang kami at naghanap ng mapepwestuhan. Imbes na mag-aral, natahimik na lang kami. Kinain agad ang mga biniling pagkain, pampalubag loob. Unti-unti kaong nalungkot. Pinaghirapan ng nanay ko 'yun, pero dahil sa 'di ako nag-ingat, sa isang iglap, nawala lang parang bula. Tiyak na ikalulungkot nya 'to. Hindi man lang tumagal. Hindi nga nadale nung una, pero natuluyan naman sa pangalawang pagkakataon. Naalala ko tuloy 'yung biruan namin date, "Walang taong malas, Tanga lang kayo". Hehe. Matapos kong maubos lahat ng binaon namin, naghanap naman ako ng Chowking at nagpakabusog. Ang panget ng feeling, lalo na pagbina-browse mo sa isip mo 'yung mga nilalaman ng bagay na nawala sa'yo. Nandun 'yung kauna-unahang text ng bestest friend ko nung una kameng nagkakilala, mga cheesy moments sa mga barkada kong hindi showy at higit sa lahat mga contacts ng mga taong rare matagpuan. Haha. Pakkkk. Haaaay. Nakakapagpabagabag.


Sa t'wing naaalala ko 'yung mukha ni manong, naaasar ako. Akala ko kasi, guni-guniko lang 'yung nakita ko, na nalaglag sa upuan 'yung cell phone ko at sumasama ang loob ko dahil hindi sya nagkusa para ibalik 'to. Siguro ibibigay nya sa anak nya, o ibebenta nya o baka wala syang cell phone. Rawr! Malas lang siguro 'yung ID na napulot namin, haha. Mukang may sumpa 'yung may ari e. Amf.

Lesson: Dapat hindi na ko nag-iisip ng mga ga'nong scenario. Nagkakatotoo palagi e. Chill lang.

November 26, 2009

Happiness



Bakit ba? Masaya lang ako. Haha. Kuha ko yan kaninang umaga paggising ko. Siguro maayos lang ang tulog ko. Si-net ko na 'yung sarili ko sa isang mahaba-habang gawain ngayong araw. Pero dahil walang ink, hindi ko nasunod ang mga plano ko. Wala akong nasimulan at wala akong natapos. Well, nakapag-blog ako. Hahaha. Soo much for this day.

Wala yata akong ginawa buong araw kundi titigan 'tong page ko. Kahit na mas mahalaga ang laman, gusto kong maging maganda rin ang panlabas na kaanyuan.
Sinubukan kong basahin ang ilang pahina ng RA 9520 dito sa pc, pero di man lang ako nakaalis sa page one. Haha. Sinubukan ko ring magresearch para sa Human Rights pero hindi rin ako tumagal, hindi ko mahanap yung gusto kong sagot. Haha. May isa lang, mukhang pwede na, ang esensya raw ng pagiging tao ay tungkol sa "pleasures". Sa simpleng pagkakaintindi ko, mas pinipili ng tao ang isang bagay kung saan maluwag ang kanyang pakiramdam. Kung saan sya makararamdam ng kaligayahan. Konek? Wala lang, mas natuwa akong magblog kesa buksan 'yung notes ko sa Statistics. Haha. 

Mga bandang alas kwatro, inaya ako ng tatay ko sa monumento para ipaconvert 'yung printer naming maluho sa ink. At syempre isusugal ko na naman ang buhay ko sa pag-angkas ng humaharurot na motor. Medyo kinabahan ako (hindi sa byahe kundi sa mangyayari sa buhay ko kinabukasan dahil mukhang wala akong magagawa), mukha kasing matagal-tagal 'yun. Pagdating doon, dyahe, daming nagpapagawa. josme. Tinubuan na ko ng ugat sa pagtayo, ginutom at inantok. Mga alasais natapos. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya ito agad ang nais kong mahawakan pagdating ng bahay. Bago ko pa man maabot nag cellphone ko, in-update na ko ng kapatid ko, wala raw kaming pasok bukas dahil nag aanounce ang magaling naming presidente ng holiday. Makikisimpatya umano sa Ampatuan Massacre. Lol. Does it make any sense? Hindi naman lahat ng estudyante maapreciate 'to. Magsisifacebook lang yan. Mas maganda siguro kung patataasin nya ang consciousness ng mga estudyante hinggil sa nangyari. Isa lang 'tong malaking palabas, BOR meet na kasi at siguradong susugurin na namn 'yun ng mga estudyante at para maiwasan 'yun ay ay kailangan nyang magdeklara ng holiday. Hanep no. astig talaga si Guevara. Tutang bongga. 

November 21, 2009

Koreanong Hilaw


Nakakarinig na naman ako ng lenggwaheng hindi ko maintindihan. Hindi naman bisaya o kung ano. Kakaiba sa pandinig pero dahil madalas ito sa tenga ko, hindi na bago.

Noong nakaraang bakasyon, bago pumasok sa bagong school year pilit kong ipinanuod sa mga kapatid ko ang pinakakinaadikan kong korean series, "I'm Sorry I love You". Ang korni ng pamagat pero wala na kong pakialam dun. Istorya naman ang nagdala.

Dahil nga series ito, medyo mahaba at mahirap putulin. Hindi ka patutulugin pag na-hook ka na. Hehe. Sa KBS ko ito unang napanuod nung may cable pa kami at dahil natuwa ako masyado dito, gusto kong maramdaman din nila ang naramdaman ko. Haha. Drama kasi ito kung drama, kakaiba ang istorya. Panalo talaga. Ilang araw lang namin ito natapos, wala naman nga kasing pasok at manipulado pa namin ang bahay, nasa bakasyon kasi ang tatay namin.  

Matapos naming mapanuod ang kabuuan ng seryeng ito, hindi lang kami sa istorya nadala, magaganda rin kasi yung kanta, lalong nagpapadrama ng istorya. Yung tipong kahit mo naiintindihan eh alam mong nagdadrama sya. Hehe. Bukod doon, ang pogi naman kasi ng bida. Hahaha. At ito na nga ang simula ng pagkalat ng mga mukha nila sa kompyuter namin. Hindi na ako masyadong "naadik" siguro dahil pangalawang ko na nga itong napanuod. Masaya na ko na may kopya na kami ng soundtrack nito. Pero AKO ay hindi katulad ng mga kapatid ko. Hindi ko inaasahan na ganun na lang silang maaadik dito. Parang dapat ko pa yatang pagsisihan na inalok ko sa kanila yung palabas na yun.

Bukod sa paulit-ulit nilang pinapanuod ang ilang eksena para maiyak, paulit-ulit ring tumutugtog ang soundtrack nito at nang magsawa... naghanap ng bagong koreanovelang kaadikan. At aming natagpuan ang "Boys Over Flowers". Buwan na ng Mayo noon at wala pa rin kaming ginawa kundi mag DVD marathon. Inaamin ko, naadik rin ako rito. Haha. At kung naadik ako, paano pa kaya ang mga kapatid ko? Ow my God! Terrible! Punong-puno na rin ang pc namin ng pagmumukha ni Jun-Pyo (may sariling folder), walang humpay na music video at mga kopya ng lyrics nito.

Akala ko hanggang dun lang. Akala ko kuntento na sila sa pakikinig at panunuod nito. Mali ako. Syempre gugustuhin mo nga namang makasabay sa pinakikinggan mo. Hayun, tama ka kung iniisip mong kinasibado nila bawat linya ng mga kanta sa seryeng ito. Bawat salita. Pangako. Iyan ang naging laman ng utak ko sa mga nalalabing araw ng bakasyon. Paulit-ulit na Nobody But You at iba pang kanta ng putragis na Wonder Girls. Hanggang sa pagtulog naririnig ko ang mga batang nagkakabisa ng dayuhang musika.

At hanggang ngayon nga eh hindi pa rin natatapos ang kabaliwang ito. Mas maganda nga naman kung alam mo rin ang ibig sabihin ng mga kinakanta mo at sa maximum eh matutunan maging ang pagsulat ng mga lenggwaheng ito. Haay. Hinahangaan ko na sila para sa kalokohang ito. Malapit na silang magtagumpay sa gusto nilang mangyari sa mga buhay nila. Haha. At ako ang pangunahing kontra-bida. Binibigyan ko nga sila ng solusyon sa sakit nila, bakit hindi ang alibata? Bakit hindi ang bisaya? Naiintindihan kong isa ito sa libangan nila, panandaliang sigla dahil sa buong araw ng pagkasubsob sa eskwela, minsan kasi mukhang hindi na masaya. Hindi naman ako tutol sa pagkatuto, natutuwa nga ako sa aspetong ito na gusto nilang may matutunang bago. Hindi ko nga siguro sila mauunawaan dahil hindi ako sila. Haha.

Nababaliw lang ako, dahil sawang-sawa na kong makarinig ng mga kantang hindi ko maunawaan. Mga kantang naging bahagi na ng sistema ko dahil sa walang humpay na pagtugtog nito. Pakiramdam ko mga alien na sila. Haha.

Ang tanong ko lang eh, kailan kaya sila magsasawa? Kailan kaya matatahimik ang tahanan namin sa espirito ng mga koreanong 'to? Haha.

SET ME FREE.