January 27, 2010

Rebound?


No, hindi ako fan ni Gerald Anderson at lalong hindi ni Kim Chiu. Nakakaintriga lang 'yung pelikula nila. Haha. Mukhang maraming makakarelate at tiyak na bebenta 'to. Kahit ang korni ng pag-iyak ni Kim Chiu at mukhang di totoo, tol nangyayari talaga sya. Kasing O.A ng kapatid ko umiyak. Haha.

Anyways, bakit naisipan kong maipost 'to dito? Unang-una hindi kao nakakarelate. Hehe. Pangalawa natuwa lang ako sa sitwasyon dahil mukahang talamak na talamak na kasi 'to ngayon sa mga kabataan. Mag best friends daw pero laging merong isa na mas higit ang nararamdaman. Pa'no nagiging mag best friends ang dalawang magkaiba ng kasarian? Anong nagiging batayan? Haha.

This scenarios reminds me of high school days. Mairerelate ko sya dun sa mga "tulay", na sa huli ang tulay at ang tinutulay ang nagkakainlaban. Haha. At kung hindi ako nagkakamali, nauuso ang pagiging mag best friend ng dalawang taong kumplikado ang sitwasyon. Kumbaga sa status, It's Complicated. Hindi kayo pero parang kayo. Wala nga namang malisya dahil mag best friend lang kuno kayo. Hahaha. (Oh, nakakarelate na ba ko? Haha) Oh sige na, nangayri sa'ken 'to pero naman, ang bata ko pa non. Haha. Pero nung mga panahon na 'yun, para sa'ken that's the sweetest thing a guy could do. Haha. Lol. Sa ngayon, isang malaking biro na lang ang lahat. Haha. Kalokohan. Ni hindi ko na maisip kung bakit ko sya nagustuhan. Haha. Puppy love. At natutuwa naman ko dahil hindi kame poser na mag best friend. Tawa na lang. Haha.

Ayun, pa'no nga kaya? Ano kayang naging ending neto? Mapanuod nga. Haha. Errr.

No comments:

Post a Comment

C'mon, speak out!