January 27, 2010

Rebound?


No, hindi ako fan ni Gerald Anderson at lalong hindi ni Kim Chiu. Nakakaintriga lang 'yung pelikula nila. Haha. Mukhang maraming makakarelate at tiyak na bebenta 'to. Kahit ang korni ng pag-iyak ni Kim Chiu at mukhang di totoo, tol nangyayari talaga sya. Kasing O.A ng kapatid ko umiyak. Haha.

Anyways, bakit naisipan kong maipost 'to dito? Unang-una hindi kao nakakarelate. Hehe. Pangalawa natuwa lang ako sa sitwasyon dahil mukahang talamak na talamak na kasi 'to ngayon sa mga kabataan. Mag best friends daw pero laging merong isa na mas higit ang nararamdaman. Pa'no nagiging mag best friends ang dalawang magkaiba ng kasarian? Anong nagiging batayan? Haha.

This scenarios reminds me of high school days. Mairerelate ko sya dun sa mga "tulay", na sa huli ang tulay at ang tinutulay ang nagkakainlaban. Haha. At kung hindi ako nagkakamali, nauuso ang pagiging mag best friend ng dalawang taong kumplikado ang sitwasyon. Kumbaga sa status, It's Complicated. Hindi kayo pero parang kayo. Wala nga namang malisya dahil mag best friend lang kuno kayo. Hahaha. (Oh, nakakarelate na ba ko? Haha) Oh sige na, nangayri sa'ken 'to pero naman, ang bata ko pa non. Haha. Pero nung mga panahon na 'yun, para sa'ken that's the sweetest thing a guy could do. Haha. Lol. Sa ngayon, isang malaking biro na lang ang lahat. Haha. Kalokohan. Ni hindi ko na maisip kung bakit ko sya nagustuhan. Haha. Puppy love. At natutuwa naman ko dahil hindi kame poser na mag best friend. Tawa na lang. Haha.

Ayun, pa'no nga kaya? Ano kayang naging ending neto? Mapanuod nga. Haha. Errr.

Uniform-ity


Isa sa madalas kong problemahin ang susuutin ko sa t'wing papasok ako. Mahirap ang walang uniform sa tulad kong hindi naman ganoon karami ang damit. Pero ayos lang, para sa uniformity nga lang naman ang uniform. Hehe. Para sa pagcacategorized ng schools o universities. Para sa pagkakakilanlan.  Dala-dala ng taong nakasuot ng uniform ng isang partikular na unibersidad ang imahe nito. So? Matagal ko nang nabili 'tong damit na 'to, sa Divisoria. Pero ilang buwan ko lang na inimbak 'to sa cabinet dahil narealize ko pagkatapos ko 'tong bilhin na mukha akong sasayaw. Haha. Sayang ang 200. Ewan ko nga kung bakit ko binili yan, masyado lang yata akong natuwa dahil kulay green yung puso. Hehe. Napukaw agad nito ang paningin ko at maganda sya nung suot ng manikin. Hehe. Ayun, Hindi ko sya kinonsider na disenteng damit. Hehe.


Pero sa kasamaang palad, HINDI AKO NAKAPAGLABA. Wala na kong matinong masusuot. No Choice. Pero... ang kinalabasan ay hindi naman masama. Haha. Bagay naman pala. Hehe. Humingi na lang ako ng tawad sa damit ko na 'to matapos ko syang idiscriminate. Hehe. Pero mukha naman talaga syang pangsayaw at ito nga ang susuotin ko sa parody na gagawin namin ng mga baliw kong kapatid. :) Wala lang.


Dalawang taon na rin akong pumapasok ng nakasibilyan. Sa umpisa, patinuan pa ng hitsura, habang tumatagal, pa-feel at home na. Hindi nila pwedeng ipagbawal ang pagsoshorts dahil mag o-All Shorts Day kami pag ganun. Haha. Nasubukan ko na yata lahat ng hitsura. Magmukang tanga, disente, pormal, bagong gising at mag mukhang tibo. Hehe. Dahil dito rin yata kaya ako nagkainteres sa mga ukay-ukay. Hindi ako nagpapalda pero dahil sa ganda ng mga palda sa ukay, ayun naging kolektor ako (sa ibang usap na lang 'yung ukay. hehe. Ü).


May uniform man o wala, hindi 'yun ang mahalaga. Basta disente ka. Eh ano ba 'yung disente? Mahirap idefine yan. Fuck the norms. Hehe. Ang mahalaga, nakukuha ng mga estudyante ang dapat nilang makuha. Ang tunay na esensya ng edukasyon na matuto at mahubog bilang tao. Ano ba 'yung tao? ( sunod-sunod na tanong. Dahil ika ni Dr. Prudente, hindi mawawala ang problema ng aming unibersidad o ng kahit sino hanggat hindi tayo nagiging sosyalistang bansa).


Bow.