December 25, 2009

Ibalik Si Kristo Sa Pasko


Mukhang huli na ko para sa pagpopost ng mga kaganapan sa buhay ko. Haha. Pero ihahabol ko pa rin. Medyo naging busy yata ang linggong 'to kaya ang sinasabing break ay hindi ko pa rin nararamdaman. Pero yun na nga siguro yun. Haha. Busy sa kakaattend ng mga party-party, celebrations at pagliligpit ng magulong bahay.


Pasko na. Ang pinakamasayang holiday na inaabangan at pinaghahandaan. Ang pasko daw ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Oo. Kaya paglalanding na sa -BER ang buwan, simulan mo ng mag-ipon para sa mga regalo. Ewan ko a, pero sa mga kabataang mas bata pa sa tulad ko, ang pasko ay walang iba kundi pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo. Kailangan bigyan ng regalo si ganito kase pasko, binigyan ako ni ganito kaya bibigyan ko rin sya. Sa mga mababaw mag-isip, nakapagtatampo pag wala kang natanggap mula sa inaasahan mo. Sa madaling salita, minsan ang pasko ay tungkol sa mga REGALO, mas inaabangan pa nga si Santa Claus. Magbibigay ka kase umaasa kang may kapalit yung ibinigay mo, exchange gifts. Kadalasang nawawala yung esensya ng pagbibigay. Soo commercialized. Iilang bata ba ang nakakaalam na kaarawan ni Kristo ang Pasko, na ang ipinagdiriwang ay KANYANG kaarawan at hindi ang pag-aabang sa regalong ibibigay ni Santa Claus. 

Sa ilang gabi ng isinimba ko, ang sermong ito lang yata ang nagustuhan ko. Ibalik si Kristo sa Pasko. Napakaraming bahay ang may bonggang dekorasyon, maraming makukulay na ilaw, kendi, mga reindeers at syempre si Santa Claus. Pero ang pinakamagandang dekorasyon siguro na maipakikita mo sa tao, ang Belen. Bihira na lang din ang naglalagay nito. Puro si Santa Claus lang kase ang ino-offer ng mga kapitalista. Haha. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa t'wing magpapasko kailan laging merong bago. Kelan ba nagsimula yun at sinong nagpauso? Minsan nga lang naman sa isang taon, Christmas is the time to spoil ourselves, kaya nga the best sa lahat ng breaks. Madali ring mang-uto. Panahon nga kase ng pagbibigayan. Ah basta, kung ano pa man yan, si Bro lang ang Star ng Pasko at walang regalo ang hihigit sa pamilyang kumpleto.

PASKUHAN 2009


Taon-taon idinaraos ng aming unibersidad ang aktibidad na 'to. Ang Christmas Party ng mga batang kapit-bahay ng pinapasukan namin. Natuwa ako noong nakaraang taong nakibahagi ako rito, pero mas natuwa ako ngayon dahil naging 'useful' ako sa program na 'to. Haha. Limang bagsak para sa tagumpay ng task ko. :) Bukod doon, napatunayan kong mahilig talaga ako sa mga bata. As in bata. Mga batang magugulo, takbo ng takbo, parang mga linta kung kumapit, sobrang sasaya at biglang iiyak ng hindi alam nag dahilan, biglang hahanapin ang magulong, maiihi, tutulo ang sipon, madadapa at hindi makausap ng matino. Pero hindi ako nayamot. Ang pag-aalaga sa kanila ay kinaaliw ko. Isang challenge para saken ang mapangiting muli ang batang kagagaling lang sa iyak, mapagsalita ang batang nahihiya at nakakaulol kayang manghabol ng mga batang iba-iba ang direksyon. Haha. Nakakatuwa ring makipag-usap sa mga batang ka-level mo na mag-isisp. Iba talaga ang point of view ng mga kabataan sa community, mulat sa realidad.

Sa kalahating araw ng pakikipaglaro sa kanila, sa huli mo na rin mararamdaman ang lahat ng pagod na nararamdaman mo. Ang uhaw, gutom at amoy ng natuyong pawis. Isang araw ng tagumpay. 

 WILD CONFESSIONS

bago umalis ang mga babes
 barkada picture
jump shot sa court

bago matulog. hindi mapakali e

goodmorning!

Hindi nga siguro buo ang klase  kaya sa Christmas Party na inihanda namin ay kami-kami lang din. Ganun pa man, Happiness is a choice daw, then I chose to be happy (just for this day). Overnight hopping is a teenage thing. Literally overnight dahil iilan lang ang tunay na makakatulog at isa sa mga yun. Haha. Salamat sa dalawang katabi ko dahil ang lalambot nila at nakatulog talaga ko ng maayos. 


Para hindi ma-bore at manatiling masaya sa kinalalagyan, wala na sigurong mas nakakaaliw pa sa spin-the-bottle. Haha. Hindi ka makakatakas sa pagsisiwalat ng mga bagay na matagal mo nang itinatago at masyado talaga kong natuwa sa mga natunghayan ko. Haha. Dahil dun, lalo ko lang naappreciate na napakaswerte ko dahil ako ang mahal mo. Hahaha. Ang isa pang nakakatuwa, hindi kase ordinaryo ang mga usapan, isang gabi ng mas malalim na pagkakakilanlan, isang gabi ng kakornihan at iisang paninindigan.


Masyadong naging masaya ang isang gabing "party" kuno na 'to para sa 'min. Pero mas magiging masaya kung kumpleto at hindi na grupo-grupo. Darating din kami sa puntong yan and I'm looking forward to it. Sa susunod na taon hindi na lang ang mga mukhang yan ang makikita nyo. Haha. Wish me luck for that.


Merry Crisesmas.