January 29, 2010

Following



Dahil sobrang epal ko lang talaga at mahilig magkakalkal ng kung anu-anong meron dito sa cyberspace, ayun may nabasa ako. Hindi naman siguro masamang mabasa ko sya, public post nga e. Hehe. Wala lang, kung ano man 'yun, nalungkot lang ako para sa kanya. Hindi ko sya kilala at lalong hindi nya. I read about her dejected love story and it seemed very, very depressive. Apektado? Haha. Mukha kase syang kakaiba, pero nung mabasa ko 'yun katulad din pala sya ng nakararami. Average girl na produkto ng lipunan, pero quite smarter than anyone. At 'yun nga ang sa tingin ko'y mali sa kanya. Nahihirapan syang ipakita kung ano talaga sya dahil she's been set into the standards (hindi ko sya kilala. Haha) and showing what she merely conceits is hard for her. Oh di ba, wala akong kasing epal. Ano kayang pakiramdam ng crinicriticize ng hindi mo alam? Haha. Syempre walang ganun dahil you obviously didn't know that you're being criticized --by someone you simply don't know. Hahaha.

Gusto kong makipag-usap sa ganitong klase ng tao, baka sakaling mahawa ako sa humor at hahawaan ko sya ng pagpapanibagong hubog. Pagbabanibagong what? Hehe. Epal. 

Stalker here.

No comments:

Post a Comment

C'mon, speak out!