Isa sa madalas kong problemahin ang susuutin ko sa t'wing papasok ako. Mahirap ang walang uniform sa tulad kong hindi naman ganoon karami ang damit. Pero ayos lang, para sa uniformity nga lang naman ang uniform. Hehe. Para sa pagcacategorized ng schools o universities. Para sa pagkakakilanlan. Dala-dala ng taong nakasuot ng uniform ng isang partikular na unibersidad ang imahe nito. So? Matagal ko nang nabili 'tong damit na 'to, sa Divisoria. Pero ilang buwan ko lang na inimbak 'to sa cabinet dahil narealize ko pagkatapos ko 'tong bilhin na mukha akong sasayaw. Haha. Sayang ang 200. Ewan ko nga kung bakit ko binili yan, masyado lang yata akong natuwa dahil kulay green yung puso. Hehe. Napukaw agad nito ang paningin ko at maganda sya nung suot ng manikin. Hehe. Ayun, Hindi ko sya kinonsider na disenteng damit. Hehe.
Pero sa kasamaang palad, HINDI AKO NAKAPAGLABA. Wala na kong matinong masusuot. No Choice. Pero... ang kinalabasan ay hindi naman masama. Haha. Bagay naman pala. Hehe. Humingi na lang ako ng tawad sa damit ko na 'to matapos ko syang idiscriminate. Hehe. Pero mukha naman talaga syang pangsayaw at ito nga ang susuotin ko sa parody na gagawin namin ng mga baliw kong kapatid. :) Wala lang.
Dalawang taon na rin akong pumapasok ng nakasibilyan. Sa umpisa, patinuan pa ng hitsura, habang tumatagal, pa-feel at home na. Hindi nila pwedeng ipagbawal ang pagsoshorts dahil mag o-All Shorts Day kami pag ganun. Haha. Nasubukan ko na yata lahat ng hitsura. Magmukang tanga, disente, pormal, bagong gising at mag mukhang tibo. Hehe. Dahil dito rin yata kaya ako nagkainteres sa mga ukay-ukay. Hindi ako nagpapalda pero dahil sa ganda ng mga palda sa ukay, ayun naging kolektor ako (sa ibang usap na lang 'yung ukay. hehe. Ü).
May uniform man o wala, hindi 'yun ang mahalaga. Basta disente ka. Eh ano ba 'yung disente? Mahirap idefine yan. Fuck the norms. Hehe. Ang mahalaga, nakukuha ng mga estudyante ang dapat nilang makuha. Ang tunay na esensya ng edukasyon na matuto at mahubog bilang tao. Ano ba 'yung tao? ( sunod-sunod na tanong. Dahil ika ni Dr. Prudente, hindi mawawala ang problema ng aming unibersidad o ng kahit sino hanggat hindi tayo nagiging sosyalistang bansa).
Bow.

No comments:
Post a Comment
C'mon, speak out!