December 29, 2009

It's Just The Beginning




Finding the warmth in the side of your bestest friend in the cold breeze of Baguio seemed to be romantic in the eyes of people who do not know the relation between the two of you and a bit strange for the people you know who find you sweet for the  very first time.

I think I used to be one of the protagonist people murmuring around, I think I really really get used to it. Not because of popularity (I'm not even one), well it's some kind of a showbiz thing sometimes. Parang Krista Ranillo at Manny Pacquiao. Haha. 

I know it gets him feeling awkward after our friends spill what they were thinking about us after that Baguio Seminar. Honestly, I've been quite thinking of that too (the malicious minds of others), for it was really the first time that we went very sweet in our three day stay to Baguio but it was never the first time, he's always sweeter than you thought. Nakakainis lang, parang kahit simpleng pag-uusap mahihirapan kayong gawin dahil sa mga mata ng malilisyosong tao (ow, harsh), and worst you know at the back of their minds a torn-between-two-lovers idea is popping. Well, I have not seen ourselves, perhaps  we meet the boundaries that's why.

Not because you go out whole means you also go on every detail happening in each of you, there are things that certain people only understand. Pair pairs have their own language. Whatever malicious or deviant spirits surrounding around us, those don't go into my system. I don't care what the hell their thinking about us, what matters most is we knew what we really are and that we'll still be the BASH we knew from the start, the language we used to understand.


 photo grabbed here

December 25, 2009

Ibalik Si Kristo Sa Pasko


Mukhang huli na ko para sa pagpopost ng mga kaganapan sa buhay ko. Haha. Pero ihahabol ko pa rin. Medyo naging busy yata ang linggong 'to kaya ang sinasabing break ay hindi ko pa rin nararamdaman. Pero yun na nga siguro yun. Haha. Busy sa kakaattend ng mga party-party, celebrations at pagliligpit ng magulong bahay.


Pasko na. Ang pinakamasayang holiday na inaabangan at pinaghahandaan. Ang pasko daw ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Oo. Kaya paglalanding na sa -BER ang buwan, simulan mo ng mag-ipon para sa mga regalo. Ewan ko a, pero sa mga kabataang mas bata pa sa tulad ko, ang pasko ay walang iba kundi pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo. Kailangan bigyan ng regalo si ganito kase pasko, binigyan ako ni ganito kaya bibigyan ko rin sya. Sa mga mababaw mag-isip, nakapagtatampo pag wala kang natanggap mula sa inaasahan mo. Sa madaling salita, minsan ang pasko ay tungkol sa mga REGALO, mas inaabangan pa nga si Santa Claus. Magbibigay ka kase umaasa kang may kapalit yung ibinigay mo, exchange gifts. Kadalasang nawawala yung esensya ng pagbibigay. Soo commercialized. Iilang bata ba ang nakakaalam na kaarawan ni Kristo ang Pasko, na ang ipinagdiriwang ay KANYANG kaarawan at hindi ang pag-aabang sa regalong ibibigay ni Santa Claus. 

Sa ilang gabi ng isinimba ko, ang sermong ito lang yata ang nagustuhan ko. Ibalik si Kristo sa Pasko. Napakaraming bahay ang may bonggang dekorasyon, maraming makukulay na ilaw, kendi, mga reindeers at syempre si Santa Claus. Pero ang pinakamagandang dekorasyon siguro na maipakikita mo sa tao, ang Belen. Bihira na lang din ang naglalagay nito. Puro si Santa Claus lang kase ang ino-offer ng mga kapitalista. Haha. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa t'wing magpapasko kailan laging merong bago. Kelan ba nagsimula yun at sinong nagpauso? Minsan nga lang naman sa isang taon, Christmas is the time to spoil ourselves, kaya nga the best sa lahat ng breaks. Madali ring mang-uto. Panahon nga kase ng pagbibigayan. Ah basta, kung ano pa man yan, si Bro lang ang Star ng Pasko at walang regalo ang hihigit sa pamilyang kumpleto.

PASKUHAN 2009


Taon-taon idinaraos ng aming unibersidad ang aktibidad na 'to. Ang Christmas Party ng mga batang kapit-bahay ng pinapasukan namin. Natuwa ako noong nakaraang taong nakibahagi ako rito, pero mas natuwa ako ngayon dahil naging 'useful' ako sa program na 'to. Haha. Limang bagsak para sa tagumpay ng task ko. :) Bukod doon, napatunayan kong mahilig talaga ako sa mga bata. As in bata. Mga batang magugulo, takbo ng takbo, parang mga linta kung kumapit, sobrang sasaya at biglang iiyak ng hindi alam nag dahilan, biglang hahanapin ang magulong, maiihi, tutulo ang sipon, madadapa at hindi makausap ng matino. Pero hindi ako nayamot. Ang pag-aalaga sa kanila ay kinaaliw ko. Isang challenge para saken ang mapangiting muli ang batang kagagaling lang sa iyak, mapagsalita ang batang nahihiya at nakakaulol kayang manghabol ng mga batang iba-iba ang direksyon. Haha. Nakakatuwa ring makipag-usap sa mga batang ka-level mo na mag-isisp. Iba talaga ang point of view ng mga kabataan sa community, mulat sa realidad.

Sa kalahating araw ng pakikipaglaro sa kanila, sa huli mo na rin mararamdaman ang lahat ng pagod na nararamdaman mo. Ang uhaw, gutom at amoy ng natuyong pawis. Isang araw ng tagumpay. 

 WILD CONFESSIONS

bago umalis ang mga babes
 barkada picture
jump shot sa court

bago matulog. hindi mapakali e

goodmorning!

Hindi nga siguro buo ang klase  kaya sa Christmas Party na inihanda namin ay kami-kami lang din. Ganun pa man, Happiness is a choice daw, then I chose to be happy (just for this day). Overnight hopping is a teenage thing. Literally overnight dahil iilan lang ang tunay na makakatulog at isa sa mga yun. Haha. Salamat sa dalawang katabi ko dahil ang lalambot nila at nakatulog talaga ko ng maayos. 


Para hindi ma-bore at manatiling masaya sa kinalalagyan, wala na sigurong mas nakakaaliw pa sa spin-the-bottle. Haha. Hindi ka makakatakas sa pagsisiwalat ng mga bagay na matagal mo nang itinatago at masyado talaga kong natuwa sa mga natunghayan ko. Haha. Dahil dun, lalo ko lang naappreciate na napakaswerte ko dahil ako ang mahal mo. Hahaha. Ang isa pang nakakatuwa, hindi kase ordinaryo ang mga usapan, isang gabi ng mas malalim na pagkakakilanlan, isang gabi ng kakornihan at iisang paninindigan.


Masyadong naging masaya ang isang gabing "party" kuno na 'to para sa 'min. Pero mas magiging masaya kung kumpleto at hindi na grupo-grupo. Darating din kami sa puntong yan and I'm looking forward to it. Sa susunod na taon hindi na lang ang mga mukhang yan ang makikita nyo. Haha. Wish me luck for that.


Merry Crisesmas.

December 17, 2009

Teammate. Soulmate




Hindi ko na matandaan kung kelan kami unang nag-usap o naging malapit sa isa't isa, basta ang alam ko nagkatabi kami isang araw. At mula noon, hindi na kami naghiwalay

Unang araw ng klase, naghahanap kami (my girlfriend) ng kaklaseng may pinakamaayos na mukha. Haha. Kung titingin ka nga naman sa kanilang lahat, isa sya sa pinakamatino... at kakaiba. Hindi sya palakausap, tahimik langnasa grupo sya ng mga babae, mukha syang emo dahil sa pormahan nya, sa maalon at mahaba nyang buhok. Higit sa lahat, sa balbas nya. Sa tingin ko, dahil sa misteryoso nyang appeal na 'to ang dahilan kung bakit marami sa amin ang binoto syang presidente ng klase, mukhang responsable. 

Habang tumatagal, isa-isa kaming nagkakakilanlan. Nagkukuhaan ng numero at kung anek-anek. Karamihan naka-globe, bilang ang mga tulad kong naka-smart. Si choco butternut (hindi tunay na pangalan), unang naging malapit sa'kin, naka-smart din kase. Matanda sya sa usual na age namin, pero okay lang. Hindi ganun ang turing namin sa kanya dahil mukha lang din syang bata, magaling makisama, makulet, kaibigan. Ito rin 'yung panahong tornado ang buhay ko, nagawa kong masabi sa kanya lahat. Nakikinig sya at nagbibigay ng pansamantalang solusyon, gumagaan naman ang pakiramdam ko. Malalim-lalim rin ang pinagsamahan namin, lumalim. Pero may kulang, basta may kulang. 

Isang araw, sa dome. Habang walang ginagawa, pinangunahan kami ng trip ng isa naming kaklase, parang spin-the-bottle. Ang matapatan ng bote, sasabihin kung sino ang "crush" nya sa room at kung bakit. Una yata akong natapatan, edi si choco butternut ang sigaw ng puso ko, kung bakit? Maganda boses. Haha. Charot. At nang tumapat kay boy balbas, nahihiya pa syang sabihin. Haha. Hindi ako nagkamali, si krispy kreme (hindi rin tunay na pangalan) nga. Nakita ko kasing  binoto nya 'nung nag-eelect kami ng officers. Haha.  

Natukso akong bumili ng globe na sim dahil sa girlfriend ko, hindi ko na rin matandaan pero ako nga siguro ang unang nagtext kay boy balbas. Haha. Wala naman syang ibang ikinakamusta sa'ken, puro choco butternut. 'yon lang kasi ang alam nya. Haha. Nasubaybayan nya ang parallel love story namin. Dumating pa nga sa punto na mukhang espiya ko sya sa grupo nila. Haha. Hindi ko na rin matandaan kung bakit parang ilang buwan ang nakalipas, hindi ko na pala binalik sa pagkakasaksak ang smart ko. Siguro dahil takot akong harapin ang mga bagay na naroon. Nailang yata ako. Habang si boy balbas naman ang nakausap ko, mukhang unfair kung buhay ko lang ang susubaybayin namin. Naikwento nyang may dine-date sya, nakilala nya noong enrollment. Isang makina. Haha. Itetext sya pag gusto syang makita at hindi rereplyan pag ayaw nya. Hanggang sa walang nangyari. Nilubayan nya rin. Mahilig syang magkwento ng mga pangyayari sa buhay nya nang hindi nagbibigay ng pangalan, ang abstract tuloy. Haha. Si  Lady Green na tanging itinuturing nyang bestfriend na sa totoo lang eh na-in love rin sya at si Red Ribbon na ka-spark nya. Ang sinusubaybayan namin, si choco butternut at Red Ribbon. Hehe. 

About last week of November, I went to visit one of my closest friend which is choco butternut's peer. Hindi ko inaasahan na pupunta rin sya. Dead air. Pero okay lang, kahit medyo kinakabahan. I thought it will be the start of something new. Masaya akong umuwing pinanghahawakan ang ngiting iniwan ng araw na 'yun. But I was all wrong.

December. May activity ang CWTS sa Luneta at sumama ako kahit wala akong ibang kakilala dahil nandoon SYA. Pero iba ang nangyari. Parang may inililihim ang buong klase sa'ken. Hindi ko maintindihan. Nang dumating sa lugar, hinihintay nang lahat si krispy kreme, lalo na sya. Mukhang alam ko na. Nalungkot ako. Hindi ko maipaliwanag. Nagpunta kami sa Manila Bay para hintayin ang paglubog ng araw at nilubugan ako ng araw na saksi sa lungkot na hindi maalis sa mukha ko. Nag-iisa. Nakita ko sya, tahimik rin. Hindi ko talaga maintindihan. 
Oras na para umuwi na kanina ko pa gustong-gustong gawin. Pilit pa nila 'kong isinasabay sa kanila. Oo na lang. Habang naglalakad papaunta sa sakayan, isang eksena ang malinaw na nagtapos ng kung anumang espesyal na chuva ang namagitan sa'men. Paalam na lang. Hindi ako sumabay sa kanila. Bumaba ako pagkababa ng ibang kasama. Nakatanngap ako ng text galing sa kanya ng makauwi ako, nagtataka sya kung bakit bumaba ako agad, maging kung bakit ako tahimik at sinabing iniisip nya ako habang pinagmamasdang lumubog ang araw. Wala na 'kong gustong sabihin.

Hindi ko maikwento ng buo at maayos kay boy balbas ang buong istorya kaya gumawa ako ng sulat. Nalungkot rin sya para sa'kin at hindi ako iniiwan.  Mukhang sya nga talga ang nalungkot. Haha.

Nang sumunod na araw, may kakaibang kaganapan sa klase na parang ako lang ang hindi nakakaalam. Nang magkita kami ni boy balbas, bago ko iabot ang sulat, ikwinento nyang nakita nya sila sa LRT station at hawak ni krispy kreme ang Blue Magic paper bag na galing kay choco butternut. Sorry for me. That's how our parting time ends.

Pilit akong tinutukso at pinagsasalita ni boy balbas ng nararamdaman ko, gusto nyang aminin ko na nasasaktan ako in his face. Haha. Pero medyo natuwa ako, mabuti nang maaga. At least nalaman ko, ganun pala sya. Sa ginawa nya, nagpakilala sya. At wala kaming dapat pag-usapan tulad ng gusto nilang mangyari. Okay na 'yun. Okay na okay.

January 12, umepal kami sa program nila. Haha. nakikain pa ng donut na inihanda ni krispy kreme para sa espesyal na pagtanggap kay choco butternut. Cell phone ko pa ang ginamit na pang-cover. Hahaha. Nakakaloko nga ang eksena. See the twist? Exchange partners. Haha. Lahat sila'y nakalapit sa bagong magsinta, samantalang ako... nandun sa hindi mababakas ang nais ipahiwatig ng aking mukha. Di bale, kasama ko naman sya. Nandun sya sa lahat ng panahon na I can't almost hold back my tears, pero hindi. He holds it. Haha. 

Kamusta naman sya? May together again ang batch nila at nandoon si Lady Green at Red Ribbon. Pareho nya silang binigyan ng origami cranes na sya mismo ang gumawa. Masayang-masaya sya. Dahil ito ulit ang pagkakataong nakapag-usap sila matapos ang bonggang tampuhan bago sila grumadweyt. 

Pareho ng kurso namin si Red Ribbon, 'yun nga lang malayo sya. Kaya they rely on texting. Isang maswerteng activity ang gaganapin sa unibersidad nila na makakasama kami. Pili lang ang isasama at dahil presidente sya, sya ang mamimili at syempre kasama ko. Haha. Marami sana kaming pagkekwentuhan tungkol sa Red Ribbon nya kaso hindi kami nagkatabi sa bus dahil sa joker naming kaklase. Haha. 'yun lang talaga ang pakay ng pagsama namin, ang makita sya. Este ang magkita sila. 

Lunch time, inabangan nya ang text ni Red Ribbon. Lumabas sya ng area, naiwan ako at hinihintay ang pagbalik nya baon ang kwento nila. Haha.

Medyo matagal at naihi na ko, lumabas ako at naghanap mg C.R. Paglabas ko ng banyo, nakaupo na sya roon at parang wala sa sarili. Naisip ko kung chichikahin ko sya sa ganung moda nya, mukhang wala akong mapapala kaya hindi ko na muna sya pinansin. Lumabas kami ng joker naming kaklase at naglibot. Pagbalik namin, kasama na namin sya. At itinuro nya kung saan sila kumain. Sa pagkakakwento nya sa'kin, mukahang dismayadong-dismayado sya. Sa kung anong dahilan? Ang bagal kasi nya. Haha. 


ETO NA TALAGA...



Kinabukasan, tinext nya ko. Sa pagkakatext nya, parang tinakdaan nyang kailangan ko talaga syang samahan. Sa City Hall, magsosolicit para sa Socio Week.

Kakatapos lang ng basketball game at didiretso na nga kami ng City Hall. Kaming dalawa. Nagtataka na ang mga kaklase namin, lagi kasi kaming magkasama. Kahit sa pagkain, sya na rin ang madalas na kasalo ko. Pati nga ang girlfriend ko nagseselos na. Haha. Pero never mind. Haha.

Habang nasa byahe, hindi ko naman tinatanong pero paulit-ulit sya. Hindi na raw nya ite-text si Red Ribbon. Kung bakit? Basta raw, hindi na. Kahit pa "in me" na rin daw yun sa kanya. Labo ni pare. Pero, ayun. Hindi na raw talaga. Baka si Lady Green na? Haha. Hindi rin daw. "Don't get me wrong", sabi nya. Okay, na parang hindi naman kapani-paniwala. Hahaha.

February 6, hindi ko inaasahan. Bumigay si gago, nainlab na pala sa'ken. Haha. Ilang oras yata kaming nagtatanungan sa labas ng room habang sila nagpoprogram sa loob. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko na nga syang takasan. Haha. Sa huli, umo-o rin ako. Bakit naman hindi ko pagbibigyan ang pinakamabuting kaibigan? 

Parang wala namang nagbago, ganun pa rin kami. Kwento lang ng kwento. Siguro naging mas espesyal lang dahil nadagdagan ng love letters at kung anu-anong kakesohan ang relasyon namin. Haha. Nakakatawa, para 'kong may tuta. Hahaha. Sinusunod nya lahat ng gusto ko, pero ang pinakagusto ko... Hindi nya kinukunsinti ang mga bagay na hindi maganda. Nagagalit sya pag nasasampal ko sya at pag sumosobra sa panlalaet. Hahaha.

Hindi ko na patatagalin pa, umabot ng tatlong buwan ang panliligaw nya. At simpleng "saranghaeyo"  ibinigay ko sa kanya. Haha. Wala akong dapat pagsisihan ng bigyan ko sya ng permisong ligawan ako, lalong wala akong dapat pagsisihan ng sinagot ko sya. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo. San ka makakakita ng tulad nya? Hindi nya ko binigyan ng dahilan para magalit sa kanya (ako ang sakit ng ulo nya, haha), hindi pa yata ako umiiyak ng dahil sa kanya. Hindi man sya katulad ng iba na mukhang tough guy, he secures me in his own way. Hindi man sya magaling kumanta, kakaiba naman ang talent nya. Sinong lalake pa ang magkakainteres sa pagtutupi-tupi ng papel? Hindi man sya palaging libre pero laging may oras na nakalaan para sa'ken. Agad na natataranta pag hindi na 'ko matanaw ng mga mata nya. Agad na inaayos ang anumang mapansin na gusot. Hindi sya 'yung tipikal na boyfriend na taga-hatid sundo lang, katext or what. Lagi syang higit sa iba. He's always more on what is due.  Hehe. Ang hindi ko makakalimutan eh, isa syang huwarang anak. Haha. Idol ko 'tong boy balbas na 'to. Sino pang kakilala mo ang nasa tamang edad na at lalaki pa na hindi pa rin pinapayagang makasama sa mga party party lalo na kung gabi? Hindi sya sumusuway sa magulang. Kung sa iba 'yon, baka naglayas na. Pero sya, hindi. Naiintindihan nya. At, hindi pa, kailanman... na nakaligtaan nya ang valentines day namin. Haha. Sorry ah, ako kase madales eh. Hehe. Alam na alam nya ang mga bagay na makakasaket sa'ken. Nakilala nya na nga siguro ako. Wala na 'kong mahihiling pa sa isang lalakeng may balbas na 'to na hindi naman emo, maniniwala ka ba pag sinabi kong Sara Bareilles din ang mga type nya? Haha. Kakaiba talaga. HIndi rin nanood ng Horror films at hindi nagyoyosi. Walang bisyo. Wala na talaga 'kong mahihiling kundi, matuto sana syang magbisikleta. Haha. 

Sa ika-pitong buwan na 'to, ito lang nag masasabi ko. Hindi nakakasawa ang mukha mo. Ang relasyon natin kung ilalarawan ay palaging bago. Parang laging kahapon lang. Walang nagbabago. Paulit-ulit ngang sinasabi, "Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago" at natutuwa ako dahil nakakasabay tayo sa pagbabago. :)

This is the Last Time I'll fall in love. ♥

Impyerno



sa kanya galing 'to.

Sa loob ng isang linggo, hindi lang isa o dalawang balita tungkol sa sunog ang narinig ko. Narinig lang pagkat hindi ko tinututukan. Hindi ko na gustong makita ang mukha ng mga taong nasalanta at umiiyak sa paghingi ng tulong sa inaasahang gobyerno na wala rin namang maibibigay. 

Pauwi na 'ko galing skul, napansin kong hindi ordinaryo ang trapik sa dinadaanan ko. Pag sumilip ka sa labas, makikita mo ang patung-patong na mga yerong itinabi ng mga tao. Nagwawalis ng abo at kinukuha ang maari pang pakinabangan. Nagkasunog pala. Hindi ko alam. 'yun lang ang mga tagpong hinayaan kong makita. Sinarado kasi ang daan nung araw na 'yun at kinailangan pang umikot. Sa paglampas ng dyip namin roon, naglaro sa isip ko ang mga ordinaryong eksenang nasasaksihan ko tuwing mapapadaan doon. Ang maliit na batang nagtatakbuhan sa tapat ng kanilang mga bahay, hindi nababahala na baka masagasaan ng mga sasakyang dumadaan. Sukat na sukat nila ang kanilang lugar at mumunting palaruan. Ang mga tent ng patay, palaging may lamay. Titignan ko palagi ang sukat ng kabaong at madalas ay mukhang bata ang pinaglalamayan. Mga nagbabasketbol gamit ang maliit na bolang hindi angkop sa edad ng mga naglalaro, mga tambay sa karinderya at mga nagvivideoke. Ganoon nag mga eksena sa kanilang normal na buhay. Naisip ko lang, may makikita pa kaya akong ganito matapos ang mala-impyernong sunog na tumupok sa kanilang mga improvised na bahay?

Nang sumunod na araw, pinagmasdan ko ang lugar, wala akong nakitang mga bata, mabuti't wala ring nakaburol. Hindi ko alam kung may namatay, sana'y wala. Kapansin-pansin ang pagliwanag sa lugar, pero kapansin-pansin rin na tila parang walang nangyari. Ganun pa rin ang atmosphere. Isa lang ang tanong na naiwan sa isip ko, "Asan kaya sila, magpapasko?".

Nasa kalahati na ko ng byahe nang makarinig kami ng malalakas na ugong ng fire trucks. Sa daan namin ito papunta, lingunan ng lingunan ang mga tao. Tila natataranta. Hindi pa man nakikita ang pangyayari ay alalang-alala na para sa mga  biktima. 

Sa pagtuloy ng byahe, inabot pa namin ang eksena. Hindi ko makita nag malaking apoy dahila nasa dulo ako ng dyip. Gusto ko ring makita, pero ayoko. Matagal, medyo matagal. Wala ng dyip na nakasunod sa amin, blangko na ang hi-way, maraming tao ang nakatango at sinasaksihan ang paglamon ng malaking apoy sa ilang mga bahay. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bumbero. Nang tila wala ng pag-asang makadaan pa, umiikot na aming sinsakyan and a glimpse of that fire crashing scene takes my eye. Parang malaking siga ng uling. Pumikit na lang ako. 

Nalulungkot ako sa mga nasaksihan ko, lalo't heto nga't magpapasko. Sa hirap na dinaranas ng mga pilipino, mahalagang kahit bahay lang ay meron ka. Pa'no pa ngayong wala na ngang panghanda, wala pang bahay na matutuluyan. Saan nila pasisilungin ang mga anak sa literal na lamig ng kapaskuhan? 

Sa huli, sa teknikal na pagsusuri ng mga eksperto sa pinagmulan ng sunog, lalabas na kasalan ang hindi pag-iingat. Pero kung titignan mo sa mas malalim na aspeto, uugatin nito ang sosyo-politikal at kultural na kalagayang meron tayo. Kultura pa rin babagsak. Walang ibang dapat sisihin sa mga sakuna kundi ang tatlong salot. 

Ikaw, ano sa tingin mo?

December 16, 2009

The Cold Season


Quiet Christmas photo here

The Christmas season literally gives this cold atmosphere which makes us really feel that this holiday is in. The cold water in the faucet every morning makes me ask for warm fluid, a jacket for a rushing cold wind while commuting and a blanket for a cold night.

Lukewarm water, a jacket and a blanket were all instruments to achieve that warmth we want but what make our cold hearts warm is the love we ought to have. I think all wishes their families to be complete every holiday. For me, there's no such important thing in the Christmas Eve but having your family complete. Pompous feast is secondary. 

We've been spending our December holidays for almost three years without our mom. And that three years is hell for us. We received fancy gifts from her but we'd rather not have all those, luxury will not give us the warmth, her warmth. But because of the rotten system existing in the society, she's forced to leave us. We don't know for how long she'll be that far and as long as she's far, the hell our situation is.  

All I want for Christmas is you.
Cold Christmas.

December 12, 2009

The Green Thing


Have you ever felt this thing lying inside your nose which makes it hard for you to breathe? Have you ever felt this sticky thing lying beneath your throat, like a lizard hanging in there? You bark much more than a dog, sometimes like a canon with the green sticky thing as the ball coz of the itching sensation inside you. Have you ever consume a full roll of a tissue just to get rid of this gooey stuff? Of course you do, and do know what I'm all about.

This week sucks because of the septic cold and whooping cough which all started as an aching throat. This aching throat starts when I accidentally drunk the contaminated water in our room (my sisters fault) which I thought is the new one from the refrigerator. When I'm about to look at the glass after I take a gulp, whoops owwmy... There's a skinny spider there and hell yeah, because I feel something clogged after I take a sip, I think I've drunk the spider and is hanging in my throat which makes it painful. Sounds childish huh, but seriously that's how I think it happened. Haha. And after I got off from the Human Rights Day mobilization, tada! I'm now a voiceless creature, plus colds, plus cough, plus a head ache. This syndrome makes me weak and again it really sucks! I have to attend one last meeting and a scheduled administrator for this coming PUPCET exam. How can I do all that without my freaking voice? 

I really hate this kind of disease, it stings! arrgh! 

A cold cold.

December 9, 2009

Condemn the Killings!



Matapos ang inihanda naming forum hinggil sa Maguindanao Massacre bilang paggunita sa Internasyunal na araw  ng Karapatang Pantao, ipinunto namin ang aming mga naging kahinaan at kalakasan, kung kami ba ay nabigo o nagtagumpay. 
Marami kaming napunto, lalo sa kahinaan. Nagkulang sa pag-eemcee, hindi nagsimula sa itinakdang oras, ang nasabutaheng gatepass, paimportanteng Lcd at kawalan ng budget. Kung bakit ganoon ang kinalabasan, siguro'y hindi namaximize 'yung oras gawa ng tatlong araw ang pasok. Sa kabuuan, isang tagumpay pa rin ito, limang araw lang ang ibinigay sa amin para i-organize ang forum na 'to. Maayos na nga, pa'no pa kaya kung napaghandaan talaga. Yess. Nakakatuwa lang. 

Una pa lang 'to, marami pang susunod. 

Limang Bagsak! Apir.

Morning Sickness


 TWIN CRUMBLE


I'm not supposed to wake up early this morning but because the noise made by my cramming sisters bothered me, I have no choice. They were always like that, sooo scruffy. I wonder when they will be conscious about being well-kept. Stress is always within me whenever I’m into fixing and organizing their unruly stuff like their unruly lives. Just like what happened earlier, the two were so fidget because she can’t find the ribbon for her uniform and that the guard will not allow her to enter the school and the other one with a participation in the program to be held today and should not be late. They start crying because of my uneasy father that makes them pressured plus the little too left time. 

I supposed what happen this morning to them will be a lesson. I wish.She leaves the house without her complete uniform not knowing what her punishment will be. On the other hand, I can’t be so angry to them. We don’t have our mother here, get my point? When I’m at their age, our mother prepare everything we need and even if it’s two years ago that she went abroad, obviously their still inept. My task is of course to guide them. 

SAME SEX MARRIAGE IS A CRIME

Forum we held last month regarding on gender issues

When my sisters left, I decided not to go back to sleep and watch the breaking news. When I started watching the TV seriously, luckily I'm into my favorite session I used to follow, the Punto Por Punto by Tonying in Magandang Umaga Pilipinas. The topic was about the (I don't know if it's now proclaimed/promulgated or still under a study) same sex marriage should be categorized as a crime. I can't keep myself calm while listening to that religious chorva's explanation on why same sex couple wanting a  marriage  is committing a crime. He mentioned over and over that in a Christian country like ours, the foundation of morality is based on what is written on the holy bible. Even though what he pointed out is just the "same sex marriage" it is clear in his saying that being a gay is also a crime. My head aches. I remember the next point he said, marriage is a sacred ceremony for men and women for sexual union. Is sex the only thing matters in marriage? It's  how he  explained it. Paano daw makakabuo ang magkapareho? 

Just now, I remember one of my instructors said in a discussion, "Marriage is just the LEGALITY for having SEX". I'm a Christian and do believe in the sayings of God, but I hate it when they're using the bible just to make the discrimination just. In my cooperative class, our professor keep on pointing us that in a business in order to be legal should  be registered and a Certificate of Registration will certify the legality and as to marriage, the couple should face the altar or the ceremony of marriage to be legal and a Marriage Certificate will prove that they're accepted by the society. What I'm trying to say is that if marriage will be prohibited to same sex couples then there'll  be no chance for them to be legal and forever their living will be considered as "illegal" in the eyes of judgmental people and their love for each other, that is forbid by the law, same sex relationship  somehow is illegal. I understand the point they prohibits it because from their point of view it's unlawful but it's too much naman to proclaim it as a crime! There's a lot more criminal  there who holds  an office for us to focus on, there's a lot of crime committed in their names, isn't it more unlawful in the eyes of God? Isn't it more unlawful not to speak for the truth, the crimes of those holding an office not to be revealed? I think it has more significance than to think on how to promulgate the same sex marriage as a crime.


twisted world.


December 7, 2009

Happy Christening


She's not my godchild but my cutie 'pamangkin'

Ika-29 ng Nobyembre 2009, Linggo ng gisingin ako ng tatay ko sa mahimbing kong tulog. Alasais pa lang yata noon kaya't mabilis akong nakabalik mahimbing kong tulog. Ipinaalala nya lang na ngayong araw na 'to ang binyag.  

Dahil sa sakit ng katawan kaya't nagpasya na yatang gumising ang sarili kong katawan. Nang lumingat ako para tingnan ang oras, nako... Alasocho na. Alasonse ang binyag at hindi ko pa nababalutan ang binili kong regalo kagabi, sayang at wala akong nakitang matinong libro, laruan tuloy ang bagsak ko. Dali-dali kong binalutan pero nahirapan ako sa isa, bilog kase ang hugis, naiiyak na ko. Maliligo pa at maghahanda. Gigisingin ko pa ang ate ko para samahan ako, (edi para sa kaalaman nyo, napakahirap gisingin ng ate ko. Hindi lang limang beses na pagsigaw ang gagawin mo.) Pero dahil naawa na sya sa pag-aaringit ko, bumangon na sya at tinulungan ako sa pagbabalot. Naligo ako kaagad. Mag-aalasonse na nang makaalis kami sa bahay. Kinakabahan ako. Iniisip ko kung naong gagawin ko pagdating ko ng simbahan gayung di ko naman kilala kung sino ba talagang bibinyagan.

Pagdating doon, nagmimisa pa lang mabuti na lang at diniretso kami ng tricycle sa simbahan at hindi kami nahuli. Ang problema, ang daming batang bibinyagan. Ow my. Pa'no ko malalaman kung sino sya roon? Nakita ko pa 'yung kaklase noong hayskul, akala ko nga eh 'yun na yun pero hindi. Matapos ang regular na misa, napag-alaman kong hindi ko naibulsa ang cell phone ko. Paksyet! Nanlumo talaga ko. Pa'no na? Walang remembrance, ang korni. Hindi rin nadala ng ate ko ang kanya dahil sa aming pagmamadali. Haay. Nagsisidatingan na ang mga bibinyagan, para kong tangang kailangan pang ilang ulit na buksan ang Invitation letter para lang mamukhaan ang bata. Hindi ko rin makita si ateng nag-imbita sa'ken. Gusto ko na nga ring mainis tulad ng ate ko na gusto na yata umuwi. Ang lesson? 'Wag mag-imbita ng hindi kakilala. Nang muntikan na kaming umuwi, nakita ko ang malapit kong kaibigan, nilapitan ko sya agad at nang makita ko nga si Arenas sigurado na ko na ito na nga 'yon. Hoo. Sa wakas. Haha.

Mula sa harapan, pinalipat kami sa bandang dulo. Isa yata kami sa may pinakamaraming ninang at ninong. Hindi na nga raw sumama 'yung iba. Pwede ba 'yun? 
Ngayon pa lang ako makakaranas ng ganitong seremonya. Pinakikinggan ko ang bawat salitang binibitawn ng pari. Bilang pauna, nagbigay ng ilang paalala. Dapat raw ay nasa wastong edad na, Labing walong taong gulang. Doon pa lang sa pamantayan na 'yon di na ko papasa. Nalalabuan ako, eh mas bata pa nga sa'ken 'yung nanay nung inaanak ko. Pangalawa, ang ninong at ninang ay dapat na katoliko lamang. So, kung hindi ka katoliko, lalabas ka ng simbahan right away. Kung bakit? Dahil isa sa mga tungkulin ng ninong at ninang ay ang turuang maging isang mabuting kristyano ang bata at tatayong pangalawang magulang. Parang mas malaki pa nga 'yung responsibilidad ng ninong at ninang sa mga kamag-anakan. Hahaha. Hmm.

Sandali lang ang seremonya, papatakan lang ng kandila sa noo at papalibutan namin. Pagkatapos mabinyagan ng lahat, it's piktsuran time na. Malas ko lang talaga. Haay. Walang camera. Bopols. Arrgh! 
Sumaglit lang kami sa reception, nakikain dahil gutom na talaga ko. Haha. Nakipagkwentuhan sa tanging kakilala ko at nagpaalam.  

Binisita namin ang uncle ko, at kunyari na lang ang pamangkin ko ang inaanak ko. Haha. Bwiset.
Hihintayin ko na lang sya sa pasko. :)

December 6, 2009

A Nightmare Follow-up

It's been a while since the last time I have clicked this New Post but still nothing happened. There's a lot of idea running in my mind but when it's time  for me to let them out, they're gone, it's hard to follow the thoughts your recently having for in an instant, new ideas come. It's been a week, we've been busy preparing the forum regarding the latest issue Maguindanao Massacre in retrospect to International Human Rights Day and ow, it'll be tomorrow. I'm excited; we exert a lot of effort and hoping for a successful outcome. 


What I just wanted to be posted in here is a nonsense thing I've found while we're having our grocery  last November 29. In my mind it goes "Hanggang dito ba naman! Walang patawad sa endorsement, hay jusme". It started in Twilight, the Saga and now the New Moon obviously hits (Para silang nakahits). Up to this point, I'm still subjective in judging this stuff and having time objectifying this is not written in my calendar. Haha. Well, just my opinion. I'm sure, lots of my friends are going gaga na over this and I'm not. Never will I be. Sounds harsh. Haha. This New Moon fever is really harsh, harsh, and harsh. Hahaha. Maybe I just don't know anything about this, I'm open for a New Moon fan to come over, and perhaps I'll be enlightened. Haha. Loool. I don't know but seeing this New Moon spirit in different forms (a co-passenger in a jeepney reading a New Moon book, a group of girls giggling over the cheesy scenes and tarpaulins, posters scattered everywhere) makes my head ache. Immunity, be with me. Hehe.

December 1, 2009

Samahan mo ko



Like an any ordinary day, left in the house alone, with the computer on my face,  with our dog barking out loud cause he wants me to take him next door to play with his wifey, our kitty sleeping in the sofa and me with nothing else to do. I'm starting to hate this computer also. Naa or maybe the computer is the one sick of me. 

I hate this kind of life. I hate myself for not being good. I hate myself when I'm not studying hard and I hate myself when I can't understand things any better. I hate being alone in this house. I hate eating breakfast and lunch alone (sometimes It's better for me not to do so). I hate blogging this kind of silly stuff. I hate this feeling, I hate it. I hate how this world goes on like this. (Well, five years is not so long. Be ready. We will get this what we called TRIUMPH. sana matapos ko na rin 'tong kontradiksyon kong 'to.)

I can't remember the last time that I felt really happy, for I was never been happy at all. Then what makes me whole? A good book, good sleep, good grades (no, I don't believe in grades), good food, good friends? 


I miss you.


*galing pala sa ate ko yung piktsur. hahaha