She's not my godchild but my cutie 'pamangkin'
Ika-29 ng Nobyembre 2009, Linggo ng gisingin ako ng tatay ko sa mahimbing kong tulog. Alasais pa lang yata noon kaya't mabilis akong nakabalik mahimbing kong tulog. Ipinaalala nya lang na ngayong araw na 'to ang binyag.
Dahil sa sakit ng katawan kaya't nagpasya na yatang gumising ang sarili kong katawan. Nang lumingat ako para tingnan ang oras, nako... Alasocho na. Alasonse ang binyag at hindi ko pa nababalutan ang binili kong regalo kagabi, sayang at wala akong nakitang matinong libro, laruan tuloy ang bagsak ko. Dali-dali kong binalutan pero nahirapan ako sa isa, bilog kase ang hugis, naiiyak na ko. Maliligo pa at maghahanda. Gigisingin ko pa ang ate ko para samahan ako, (edi para sa kaalaman nyo, napakahirap gisingin ng ate ko. Hindi lang limang beses na pagsigaw ang gagawin mo.) Pero dahil naawa na sya sa pag-aaringit ko, bumangon na sya at tinulungan ako sa pagbabalot. Naligo ako kaagad. Mag-aalasonse na nang makaalis kami sa bahay. Kinakabahan ako. Iniisip ko kung naong gagawin ko pagdating ko ng simbahan gayung di ko naman kilala kung sino ba talagang bibinyagan.
Pagdating doon, nagmimisa pa lang mabuti na lang at diniretso kami ng tricycle sa simbahan at hindi kami nahuli. Ang problema, ang daming batang bibinyagan. Ow my. Pa'no ko malalaman kung sino sya roon? Nakita ko pa 'yung kaklase noong hayskul, akala ko nga eh 'yun na yun pero hindi. Matapos ang regular na misa, napag-alaman kong hindi ko naibulsa ang cell phone ko. Paksyet! Nanlumo talaga ko. Pa'no na? Walang remembrance, ang korni. Hindi rin nadala ng ate ko ang kanya dahil sa aming pagmamadali. Haay. Nagsisidatingan na ang mga bibinyagan, para kong tangang kailangan pang ilang ulit na buksan ang Invitation letter para lang mamukhaan ang bata. Hindi ko rin makita si ateng nag-imbita sa'ken. Gusto ko na nga ring mainis tulad ng ate ko na gusto na yata umuwi. Ang lesson? 'Wag mag-imbita ng hindi kakilala. Nang muntikan na kaming umuwi, nakita ko ang malapit kong kaibigan, nilapitan ko sya agad at nang makita ko nga si Arenas sigurado na ko na ito na nga 'yon. Hoo. Sa wakas. Haha.
Mula sa harapan, pinalipat kami sa bandang dulo. Isa yata kami sa may pinakamaraming ninang at ninong. Hindi na nga raw sumama 'yung iba. Pwede ba 'yun?

Ngayon pa lang ako makakaranas ng ganitong seremonya. Pinakikinggan ko ang bawat salitang binibitawn ng pari. Bilang pauna, nagbigay ng ilang paalala. Dapat raw ay nasa wastong edad na, Labing walong taong gulang. Doon pa lang sa pamantayan na 'yon di na ko papasa. Nalalabuan ako, eh mas bata pa nga sa'ken 'yung nanay nung inaanak ko. Pangalawa, ang ninong at ninang ay dapat na katoliko lamang. So, kung hindi ka katoliko, lalabas ka ng simbahan right away. Kung bakit? Dahil isa sa mga tungkulin ng ninong at ninang ay ang turuang maging isang mabuting kristyano ang bata at tatayong pangalawang magulang. Parang mas malaki pa nga 'yung responsibilidad ng ninong at ninang sa mga kamag-anakan. Hahaha. Hmm.
Sandali lang ang seremonya, papatakan lang ng kandila sa noo at papalibutan namin. Pagkatapos mabinyagan ng lahat, it's piktsuran time na. Malas ko lang talaga. Haay. Walang camera. Bopols. Arrgh!

Sumaglit lang kami sa reception, nakikain dahil gutom na talaga ko. Haha. Nakipagkwentuhan sa tanging kakilala ko at nagpaalam.
Binisita namin ang uncle ko, at kunyari na lang ang pamangkin ko ang inaanak ko. Haha. Bwiset.
Hihintayin ko na lang sya sa pasko. :)

No comments:
Post a Comment
C'mon, speak out!