November 29, 2009

Annoying



Like this blog of mine, my days were always annoying, irritating, satiated. 
I want something new to happen. Well, it all depends on me naman. Maybe, I'm not just doing well what I wanted to do and it really irritates me, a LOT.


Nowadays, I used to have this feeling that I am not learning anything, anything. Remember some teacher saying, "Pasok sa isang tenga, Labas sa kabila." It's like that. I don't know if it's some sort of a memory gap or what, an undiscoverd disease or... or it's just because my mind is soo filled with something (the thing I'm into, that's why my mind can't hardly accept new thoughts. Haha. Lol) or maybe I'm so trying hard to accept all that (another things that also matter... acads, and extra-curicular thingies), that the part of my brain responsible for processing breaks down and now resting to energize? Haha. 

or am I just really tired?
Tired for what? 

Well, I'm trying to find some refreshment, trying not to be so stressed out of anything. 

katulad ng larawang nakapaskil, nakakaannoy kung bakit ito nandito nang hindi naman dapat.

November 27, 2009

Ninang Kalai


Natanggap ko ang imbitasyon sa binyag na ito noong nakaraang sabado, inabot sa'ken ng ama ko. Galing daw sa customer nya. Parang nakiliti akong ewan nung nakita ko 'yung laman. Akala ko joke lang. Tunay pala 'yun, kinukuha akong ninang. Haha. Ayoko pa nga sana nung una, ayokong tingnan 'yung invitation dahil ayokong magpunta. Haha. Bad. Wala kasi akong kasama, ano namang gagawin ko dun, wala akong kakilala. Pero I therefore realized na okay lang, masaya 'to. Grown-ups. :)

Arenas 'yung apelyido nung magiging inaanak ko, ang naunang pumasok sa isip ko 'yung schoolmate ko nung elementary hanggang highschool na kahit kelan hindi ko naman nakausap. Parati lang kaming nagkakatinginan pag nagkakasabay sa byahe. Haha. Pero hindi pa rin naman ako sigurado kung anak nya nga 'tong magiging inaanak ko. Hehe. Well, kung sya nga, matutuwa ko. Hehe. Baka sa binyag pa ng anak nya kame unang magkausap. :) (kung anak nya nga)

Ang tawag pala sa regalong ibibigay ay pakimkim (o yung pera 'yun na kasama ng regalo? hehe), pinag-iisip na ko ng ama ko kung anong ibibigay ko, pera na lang daw. Sabi ko gusto ko libro. 'Yun siguro ang kauna-unahang librong mababasa nya. Hehe. Gusto kong maging isang bata syang mahilig magbasa, haha. Para paglaki nya sa kanya na lang ako manghihiram. Hahaha. Naeexcite tuloy ako. :) Ang pakiramdam ko ngayon, parang may anak na rin akong susubaybayan (is that too much?). Haha. Susubaybayan ko talaga yan. Meron na ring batang kakatok sa 'kin pag pasko. Hehe.  

Sa Linggo na nga pala 'yung binyag. Wala lang, masaya lang ako. :)

November 26, 2009

Random


Mga sangang pasulpot-sulpot katulad ng pag-iisip kong tutulog-tulog

Walang pasok ngayon, our own university President declared today as Holiday for the Ampatuan Massacre. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano, maraming nakapilang exams ngayong araw na 'to para sa amin pero hindi matutuloy. Dapat ba 'kong matuwa dahil wala akong naaral na kahit ano? Hmm, nasayang lang 'yung isang araw. Para sa'kin walang silbi 'tong pa-holiday holiday epek niya para makisimpatya sa nangyare, per sa isang banda parang pwede na rin atleast nakapagpakitang-tao pa sya. Kahit pala demonyo ay nahahabag din, pero hindi pa rin. Tulad nga ng sinabi ko kahapon, BOR meet din ngayon, alam na. Ni hindi nga alam ng karamihan sa mga estudyante kung bakit walang klase. Wala lang, wala lang pasok. Mas maganda siguro kung mas patataasin nya 'yung consciuosness namin hinggil dun sa nangyari pero syempre hindi nya 'yun gagawin. Mga tuta talaga oh.

Wala na namang magandang nangyari sa araw, sana sumama na lang ako ng mob. Nasayang lang 'yung pagsesave ko ng baon ko para sana sa araw na 'to. 

Nakakatamad ring magkikilos dito sa bahay; tagahugas ng plato, tagalaba, tagasaing pero hindi tagakaen. Araw-araw ganito lage. Nakakasawa. Si Sara Bareilles at Regina Spektor lang ang kaligayahan ko. Ang gara nga ng buhay ng tao, buong buhay naten nag-aaral tayo. Nasa sa'yo kung pa'no mo lang dadalhin. Kung magiging boring o cool, parang ako... ang boring. Hehe. Walang bago. Gigising ng maaga, babyahe, papasok, makikipagkulitan, kakaen, uuwe, magpupuyat at matutulog. Boo.

Walang kalinya-linya mga naiisip ko ngayon, siguro dahil gutom ako. Pakiramdam ko naiinis ako. Hehe. Oo, naiinis nga ko, saan? baket? Ewan. Arrrgh! Dahil hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko? As long as you live in a society, you can never be free. Chuuva lang, nde 'yon. Namimiss ko na 'yung pakiramdam ng walang masyadong iniisip, pero dahil ganito ang sitwasyon, hinihingi ng kalagayan na mag-isip ako. Nakakastress. 

Oh sige na, magbabasa na lang ako.. ng maraming maraming libro. Pwedeng pahiram?

Happiness



Bakit ba? Masaya lang ako. Haha. Kuha ko yan kaninang umaga paggising ko. Siguro maayos lang ang tulog ko. Si-net ko na 'yung sarili ko sa isang mahaba-habang gawain ngayong araw. Pero dahil walang ink, hindi ko nasunod ang mga plano ko. Wala akong nasimulan at wala akong natapos. Well, nakapag-blog ako. Hahaha. Soo much for this day.

Wala yata akong ginawa buong araw kundi titigan 'tong page ko. Kahit na mas mahalaga ang laman, gusto kong maging maganda rin ang panlabas na kaanyuan.
Sinubukan kong basahin ang ilang pahina ng RA 9520 dito sa pc, pero di man lang ako nakaalis sa page one. Haha. Sinubukan ko ring magresearch para sa Human Rights pero hindi rin ako tumagal, hindi ko mahanap yung gusto kong sagot. Haha. May isa lang, mukhang pwede na, ang esensya raw ng pagiging tao ay tungkol sa "pleasures". Sa simpleng pagkakaintindi ko, mas pinipili ng tao ang isang bagay kung saan maluwag ang kanyang pakiramdam. Kung saan sya makararamdam ng kaligayahan. Konek? Wala lang, mas natuwa akong magblog kesa buksan 'yung notes ko sa Statistics. Haha. 

Mga bandang alas kwatro, inaya ako ng tatay ko sa monumento para ipaconvert 'yung printer naming maluho sa ink. At syempre isusugal ko na naman ang buhay ko sa pag-angkas ng humaharurot na motor. Medyo kinabahan ako (hindi sa byahe kundi sa mangyayari sa buhay ko kinabukasan dahil mukhang wala akong magagawa), mukha kasing matagal-tagal 'yun. Pagdating doon, dyahe, daming nagpapagawa. josme. Tinubuan na ko ng ugat sa pagtayo, ginutom at inantok. Mga alasais natapos. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya ito agad ang nais kong mahawakan pagdating ng bahay. Bago ko pa man maabot nag cellphone ko, in-update na ko ng kapatid ko, wala raw kaming pasok bukas dahil nag aanounce ang magaling naming presidente ng holiday. Makikisimpatya umano sa Ampatuan Massacre. Lol. Does it make any sense? Hindi naman lahat ng estudyante maapreciate 'to. Magsisifacebook lang yan. Mas maganda siguro kung patataasin nya ang consciousness ng mga estudyante hinggil sa nangyari. Isa lang 'tong malaking palabas, BOR meet na kasi at siguradong susugurin na namn 'yun ng mga estudyante at para maiwasan 'yun ay ay kailangan nyang magdeklara ng holiday. Hanep no. astig talaga si Guevara. Tutang bongga. 

November 25, 2009

junk mind



nonsense photo here

Mag-aalas dos na ng hapon, nandito pa rin ako, hindi ko maiwan. Wala pa rin akong nagagawa at wala pa ring nasisimulan. Nakakairita. Wala akong nagagawang matino ngayon sa buhay ko. Shit stuff.
Hindi rin ako mapakali sa blog na 'to, parang lahat ng entry ko walang kwenta. Kulang lang siguro ko sa pag-iisip. Haha. What a junk mind. Waa. Daming gawain. Kailan ba ko magiging masipag? Hehe. Sinusubukan ko naman. Totoo. 
Ito yung mga kailangan kong gawin, sana may matapos ako: waw.
  1. Basahin ang RA 9520 o Cooperative Code Of the Philippines. Article 1-100. 
  2. Research sa Human Rights. 
  3. Review sa Statistics? Haha. lol.
  4. Maligo. 
Konti lang pala. Haha. Konte. Konti talaga. Nakakatamad talaga maiwang mag-isa sa bahay lalo pag may kaharap kang kompyuter. Wala ka ng ibang nakikitang bagay kundi ang monitor at keyboard. Pakinggan ang speaker kong tumutugtog ng Gravity. Wala talaga 'kong magagawa. Haha. Wish me luck people. Magkaron naman ako ng sense kahit ngayong araw lang na 'to. Hehe. Make sense dude. lol.

Now What?







"Hindi ko na naman alam kung saan magsisimula. Napakaraming gawain ang naghihintay na matapos. Lahat gusto kong simulan at lahat gusto kong tapusin, ngunit hindi kakayanin ang oras. Kulang ang isang araw para mapunan ang lahat ng dapat mapunan."


Napaka-emo naman ng pahayag kong 'yun, eh ang problema ko lang naman eh hindi ko maprint yung RA 9520 dahil naubos ang ink. Haha.Hindi naman ako matatapos kung dito ko babasahin, maraming distractions (tulad nito). May mobilization nga pala ngayon hinggil dun sa Maguindanao Massacre pero di ako makakadalo. :| 
Isa lang ang nararamdaman ko ngayon, nagugutom ako (hindi pa yata ako nag-aalmusal). Hehe. Almusal na magiging kasabay na ng tanghalian. Hindi ako makapagsimula. Kagabi matapos kong matanggap ang isang balita, ako'y napatulala. Iniisip ko ang maaring maganap. Wala lang.


Masayang Nalulungkot.

November 24, 2009

Halo-Halo



Ang dami ko pang kailangang gawin pero inuuna ko pa rin 'to. Hehe. Hindi pa ko nagtatanghalian at hindi pa rin ako nakaklaigo, mamayang gabi na siguro, bago matulog. Haha. Buti nga pala at may tubig na rito. Nakapaglaba rin nakakapaghugas agad ng plato. Kagabe, naalala ko... Doon sa terminal ng jeep na sinasakyan ko pauwi, mayroong malaking magkapatong na speakers na sasalubong sa'yo bago makapila, may napansin akong "For Sale Original. 100php", nagtaka ko sa nakita ko, ang mura naman nun. Naisip kong sabihin agad sa tatay ko pagkauwi, nararamdaman kong mapapasaamin ito. Hahaha. Ang lakas pa ng tugtog nito. 
Pagkauwi ko, masaya ako dahil walang batang nakaupo sa sa harap ng kompyuter namin. "Ayos nauna ko sa kapatid ko! yess", tuwang-tuwang sabi sa sarili at nakalimutan ko nga yung tungkol sa malalaking speakers na yun. Nang makauwi ang kapatid ko, syempre pinamadali nya ko, gagawa raw sya ng assignments. Okay, dahil nagsawa na rin ako pinaubaya ko na sa kanya at kumain na kami ng hapunan. Maya-maya naalala kong bigla ang speakers na yun, naikwento ko sa tatay ko at paniwalang-paniwala sya sakin. Agad syang nag-aya na puntahan namin dahil maaga pa naman at sinisigurado nya ko at siguradong-sigurado naman ang stand ko. Nilabas nya ang motor at minadali ako, hindi na nga ako nagsuklay. Haha. Sa pagbaybay namin ng daan palabas ng village namin, natuwa ako sa mga nakita ko, isang grupo ng mga lalake (mga tambay ata) at may bata pa na naliligo kung saan nakalitaw yung tubong hindi pa inaayos ng mga nagkalkal. Natuwa lang ako. Haha, sayang at hindi ko nakuhaan ng litrato. Kahit nakakaawa ang sitwasyon naming mga tao rito, hindi ko pa rin mapigilang mangiti pag nakikita ang mga ganung eksena, merong nagdadala na ng mismong pitchel (ewan ko kung pang-inom nila yun. goodluck!), mga planggana at dun na naglalaba. Haha, yung tatay ko nga noon, kinabit yung hos duon para di na sya magpakahirap na mag-igeb. Haha. Sugapa. Buti't walang umaaway sa kanya.
Malapit-lapit lang naman yung terminal, nasaktuhan naming walang masyadong sasakyan kaya't ang bilis-bilis ng takbo namin. Tuwang-tuwa naman ako dahil feel na feel ko ang malamig na hangin. Nuong nagpapark na kami, medyo kinabahan ako, hindi ko na sya sinabahan. Kinutuban ako at naisip ko bigla ang isang tindahan pagkalampas dun sa mga speakers, tae tsaka ko lang naalala. Mga CD's pala yung tinda. Ahahahaha. Nakangiting papalapit sakin ang tatay ko, sa isip-isip ko yari ako nito pagdating sa bahay. Mabuti na lang at nagkalat ang mga trak ng nagrarasyon ng tubig, haha. At nakalimutan nya kaagad ang nangyari. Hahahaha. Shonga talaga, kami na lang ng mga kapatid ko ang nagtawanan. Hindi kase nagbabasa. Haha. Ayan. Sa akin ang lahat ng benefit, parang nagpa-joy ride lang ako. Haha.


Oras ng Santino noong umakyat ako sa kwarto, syempre makalat na naman kaya bago ko magsulat sa Diary ko, iniligpit ko muna lahat ng nakakalat sa muka ko. Nang nakapormang-nakaporma na ko sa pagsusulat ko, hindi ako mapakali. Iniisip ko yung mga kuting na natutulog sa ilalim ng kamang pinupwestuhan ko. Ayun, kinuha ko sila at itinabi sa gilid ko. Umiyak ng umiyak, narinig tuloy ni Cutie (yung nanay ng mga kuting.) pero hindi nya naagaw sa akin. Sya ang napilitang humiga at tumabi sa mga anak nya. Haha. Hindi ako makapagconcentrate dun sa ginagawa ko. tiningnan ko lang ng tiningnan yung mga kuting at piniktsuran ng piniktsuran. May mga mata na sila, pero hindi pa ganap na nakakakita. Hanggang sa naawa ako at ibinalik ko na sila sa bahay kuno nila. Pumwesto uli kao sa pagsusulat at inantok naman ako. Harr. Hindi maawat na antok, kaya ayun natulog na lang ako. Hehe. Pero nung matutulog na ko, hindi na naman ako mapakali, hindi na yata ako sanay ng walang nababasa bago matulog. Binasa ko saglit yung reading book na nasa tabi ko, haha. Wala lang. At naisip ko na naman yung Cooperatives professor naming nilayasan kami kanina dahil sa pesteng assignment sa statistics. Nakakahiya 'yung ginawa namin. Hindi na mababago yung pagtingin nyang 'yun samin. Kaya kailangan naming mag-aral at basahin ang buong artikulo ng discussion namin. nyarnyar. Haay. Ayun, at sana managinip ako. Namimiss ko na yung mga weird dreams ko. Hehe.

ayun, wala lang. halo-halong kwento.

New Moon: A Nightmare




Napakaraming showing na pelikula ngayon; may 2012, Paranormal Activity at syempre ang New Moon. 'Yan ang tatlo sa mga kilalang pelikulang ipapalabas sa takilya sa tulong media. Walang sawang pag-eere at nagkalat na posters o adds saan mang mall ka magpunta.

Noong November 20 bandang alasais ng gabi, dumaan kami ng Trimona (Trinoma, pero i used to call it that way, hehe. mga fx drivers kasi) para makigamit ng libreng wifi at sa pagpasok namin ng mall, isang napakahabang pila ang tumambad sa amin. Naisip ko tuloy kung anong meron at ganoon na lang kahaba ang pila na umabot pa sa lobby? Napag-alaman kong showing pala ng New Moon. Okay. Habang nakaupo ako at hinihintay matapos ang ate kong nakikigamit ng wifi, pinagmamasdan ko lang ang pilang humahaba pa. Humahaba at humahaba. Inobserbahan ko rin kung sinong mga nakapila. Karamihan ay mukhang mga mayayaman, may mapuputing kutis na pinagtyatyagaang pumila ng napakahaba makapanood lang ng inabangan at pinanghandaang pelikula, yung iba mukhang trip lang, may lolo pa nga yata akong nakita. Pero kasama sa karamihan syempre yung mga magjowa, mga ordinaryong nilalang na napaspasan at naakit ng media.



Mukha sigurong napaka-kj ko o ano bang pakialam ko sa mga taong 'to, nagtataka lang ako. Ano bang meron sa Twilight o New Moon na yan para pagkaguluhan? Medyo napanuod ko yung nauna, ordinaryong cheesy film lang naman. Sa tingin ko, kilig lang ang dulot nito sa tao pero siguro nga yun din ang pangunahing dahilan kung bakit hook na hook ang mga tao, dahil ito ay ordinaryo at pilit na ipinamukha sa mundo na maganda ito at hindi dapat palampasin ng mga tao. Hindi ko nga siguro maiintindihan ang mga taong ito dahil hindi ko naman nabasa o napanuod ang Saga na 'to. Patok na patok. Kahit saan ako magpunta, New Moon, New Moon ang naririnig ko. May mga kwentong lungkot na lungkot kasi hindi nakapanuod at sa National Bookstore narinig ko ang isang babaeng, kukumpletuhin nya raw ang libro pero kahit isa wala pa syang nahahawakang ganito (dakilang epal, haha. narinig ko lang sa cashier, di maiwasang bumulusok ang radar ko, new moon daw e. haha) at 'yun pa pala ang isang punto ko, hindi nga siguro alam ng  lahat ng nakapila doon na galing ito sa libro at mas matutuwa siguro sila kung nabasa nila ito. Pero wala na kong magagawa sa bagay na 'yun, nagtagumpay na naman ang mga kapitalista sa pag-iimpose ng mga kaisipang hindi naman mahalaga. Panalong panalo. 'Yung ibang estudyante siguro nagtiis pa ng gutom makasabay lang sa uso at makapanuod ng naturang sikat na palabas. Wala na ngang makain, sumusine pa.

Pa'no kaya kung nagshowing 'yung "DUKOT" sa mga sinehan? Pa'no lang naman. Hahaba rin kaya ng ganyan ang pila ng mga tao, pagtutuunan kaya ng pansin ito? Syempre hindi, kasi hindi ito iaalok ng media. Hindi naman uso sa kanila ang magpalabas ng mga bagay na makakapamulat sa mga tao ng kanilang tunay na kalagayan. Imposible.

Ang goal ko ngayon, alamin ang esensya at aral na makukuha sa Twilight o New Moon, para maging objective naman ang mga pinagsasabi ko at manood ng maraming indie films.

Latest: Rome and Juliet.

November 21, 2009

Koreanong Hilaw


Nakakarinig na naman ako ng lenggwaheng hindi ko maintindihan. Hindi naman bisaya o kung ano. Kakaiba sa pandinig pero dahil madalas ito sa tenga ko, hindi na bago.

Noong nakaraang bakasyon, bago pumasok sa bagong school year pilit kong ipinanuod sa mga kapatid ko ang pinakakinaadikan kong korean series, "I'm Sorry I love You". Ang korni ng pamagat pero wala na kong pakialam dun. Istorya naman ang nagdala.

Dahil nga series ito, medyo mahaba at mahirap putulin. Hindi ka patutulugin pag na-hook ka na. Hehe. Sa KBS ko ito unang napanuod nung may cable pa kami at dahil natuwa ako masyado dito, gusto kong maramdaman din nila ang naramdaman ko. Haha. Drama kasi ito kung drama, kakaiba ang istorya. Panalo talaga. Ilang araw lang namin ito natapos, wala naman nga kasing pasok at manipulado pa namin ang bahay, nasa bakasyon kasi ang tatay namin.  

Matapos naming mapanuod ang kabuuan ng seryeng ito, hindi lang kami sa istorya nadala, magaganda rin kasi yung kanta, lalong nagpapadrama ng istorya. Yung tipong kahit mo naiintindihan eh alam mong nagdadrama sya. Hehe. Bukod doon, ang pogi naman kasi ng bida. Hahaha. At ito na nga ang simula ng pagkalat ng mga mukha nila sa kompyuter namin. Hindi na ako masyadong "naadik" siguro dahil pangalawang ko na nga itong napanuod. Masaya na ko na may kopya na kami ng soundtrack nito. Pero AKO ay hindi katulad ng mga kapatid ko. Hindi ko inaasahan na ganun na lang silang maaadik dito. Parang dapat ko pa yatang pagsisihan na inalok ko sa kanila yung palabas na yun.

Bukod sa paulit-ulit nilang pinapanuod ang ilang eksena para maiyak, paulit-ulit ring tumutugtog ang soundtrack nito at nang magsawa... naghanap ng bagong koreanovelang kaadikan. At aming natagpuan ang "Boys Over Flowers". Buwan na ng Mayo noon at wala pa rin kaming ginawa kundi mag DVD marathon. Inaamin ko, naadik rin ako rito. Haha. At kung naadik ako, paano pa kaya ang mga kapatid ko? Ow my God! Terrible! Punong-puno na rin ang pc namin ng pagmumukha ni Jun-Pyo (may sariling folder), walang humpay na music video at mga kopya ng lyrics nito.

Akala ko hanggang dun lang. Akala ko kuntento na sila sa pakikinig at panunuod nito. Mali ako. Syempre gugustuhin mo nga namang makasabay sa pinakikinggan mo. Hayun, tama ka kung iniisip mong kinasibado nila bawat linya ng mga kanta sa seryeng ito. Bawat salita. Pangako. Iyan ang naging laman ng utak ko sa mga nalalabing araw ng bakasyon. Paulit-ulit na Nobody But You at iba pang kanta ng putragis na Wonder Girls. Hanggang sa pagtulog naririnig ko ang mga batang nagkakabisa ng dayuhang musika.

At hanggang ngayon nga eh hindi pa rin natatapos ang kabaliwang ito. Mas maganda nga naman kung alam mo rin ang ibig sabihin ng mga kinakanta mo at sa maximum eh matutunan maging ang pagsulat ng mga lenggwaheng ito. Haay. Hinahangaan ko na sila para sa kalokohang ito. Malapit na silang magtagumpay sa gusto nilang mangyari sa mga buhay nila. Haha. At ako ang pangunahing kontra-bida. Binibigyan ko nga sila ng solusyon sa sakit nila, bakit hindi ang alibata? Bakit hindi ang bisaya? Naiintindihan kong isa ito sa libangan nila, panandaliang sigla dahil sa buong araw ng pagkasubsob sa eskwela, minsan kasi mukhang hindi na masaya. Hindi naman ako tutol sa pagkatuto, natutuwa nga ako sa aspetong ito na gusto nilang may matutunang bago. Hindi ko nga siguro sila mauunawaan dahil hindi ako sila. Haha.

Nababaliw lang ako, dahil sawang-sawa na kong makarinig ng mga kantang hindi ko maunawaan. Mga kantang naging bahagi na ng sistema ko dahil sa walang humpay na pagtugtog nito. Pakiramdam ko mga alien na sila. Haha.

Ang tanong ko lang eh, kailan kaya sila magsasawa? Kailan kaya matatahimik ang tahanan namin sa espirito ng mga koreanong 'to? Haha.

SET ME FREE.

Wala lang

Anong meron sa "wala lang"? 
Madalas kong naririnig 'to sa mga tao.

Kapag hindi ka narinig ng taong kausap mo sa sinasabi mo at tinanong ka nya uli, ipinambubungad ng karamihan ang salitang ito tapos idudugtong rin naman ang tunay na gustong sabihin o di kaya hindi na talaga.

Haha. Naisip ko lang. Ano nga kasing meron sa salitang 'yon? Sinasabing "wala" kahit meron naman talaga. Haha. (laki ng problema ko a. hehe) 

Madalas ko rin yata gamitin ang mga salitang yan. Wala lang. Hehe. Dahil siguro minsan nakakatamad na ulit magsalita, nakakapagod magpaliwanag o nawala na yung momentum. Pero minsan nakakainis, lalo na kung ikaw yung sinabihan ng salitang 'to. Pilit pang itatago sa'yo na "wala" kahit na pareho nyo ngang alam na meron. At darating na lang sa punto na pareho na lang kayong sasagot ng "wala!" pag nagtanungan kayo kase pareho na kayong badtrip. Haha. Wala lang.   

Ang paggamit nga siguro ng salitang "wala lang" ay isang paraan ng pagpapaalam sa tao na meron nga. Dahil wala namang "wala" sa mundong 'to. Lahat may dahilan, may pinag-uugatan. Lahat ay magkakaugnay-ugnay. waw. Kaya ang "wala lang" ay simbolo ng isang bagay na dapat mong malaman. Haha.

Wala lang, naisip ko lang. Hehe. :)

November 17, 2009

Babay Tong. :(





November 10, 2009 nang manganak ang pusa naming si Cutie. Katulad noong una, tatlo rin ang anak nya ngayon na pinangalanan naming Tong, Shin at Pim. Nakakatuwa. Madaragdagan na naman ng makukulit sa bahay. Kakaiba ang mga kuting na 'to sa mga nauna, hindi sila mahahaba. Ang mga katawan nila'y mabibilog at napakatataba. Ang kukyut talaga. *gigil. Pero kapansin-pansin ang isa sa kanila. Hindi sya katulad ng mga kapatid nya na matataba at malulusog. Kakaiba ang payat at liit nya. 

Sya rin ang may ibang kulay kaya't bukod sa kaliitan nito'y madali itong makilala. Palagi naming binibisita ang munti nilang kahon na nagsisilbing bahay bila sa ngayon. Nakakatuwa silang tignan, wala pang mga mata. Ikot ng ikot, nagkakapaan. Tulog lang ng tulog. Napakabilis lang ng paglaki ng mga kuting, kaya sa loob ng dalawang araw na tuloy-tuloy na pagdede kay Cutie eh, lalo pa silang tumaba at bumilog. Sa dalawang araw ngang iyon na lumipas, napansin namin ang paglala ng kondisyon ng pinakamaliit na kuting na si Tong. HIndi sya tumaba, mukhang lalo pa ngang nangayayat. Sa pagbabantay nami'y aming napag-alaman na hindi sya nakakakain o nakakuha ng gatas kay Cutie. Hindi kaya ng katawan niya. Hindi nya kayang buhatin ang kanyang sarili dahil sa maliliit na mga kamay nya. Gustong-gusto nyang gumalaw pero dahil sa hindi nga nya kaya, puro pag-iyak na lang ang nagagawa nya. Ang iyak nya'y mas nakakaawa pa sa tao, sa isang sanggol. Sobrang sakit siguro ng nararamdaman nya. Wala naman kaming magawa. Nagsimula ng umiyak ang kapatid ko. Binanatayan lang sya ng nakababata kong kapatid at sa tabi ng kanilang kahon nag-aral.

Habang lumalalim ang gabi ay lumalalim rin ang pag-iyak ni Tong. Kung ikaw ang makakarinig siguradong hindi ka rin makakangiti. Hanggang tinawag ako maging ng aking ate, nang magpunta ko sa kinalalagyan nila, hindi na humihinga si Tong. Nagsimula ng humagulgol ang nakababata naming kapatid. Baka raw natutulog lang. Binuhat ko si Tong at tiningnan, ngunit wala na talaga. Hindi na sya humihinga. Hindi na kaya ng kanyang musmos na katawan ang kung anumang sakit na nararamdaman nya. Kawawang kuting. Hindi man lang nakasilip sa munting mundo.

Katulad ng mga taong nalulungkot dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, nakakalungkot ring mawalan ng mga kuting o ng alagang hayop. Panglimang beses na 'tong nangyayari kaya't sadyang nakakalungkot.

Namaalam kami sa kanya gayundin si Cutie na awlang kamalay-malay na nawalan na naman sya ng anak.

Isang malungkot na gabi. Sana'y hindi na 'to mauilit muli.

Kung hindi ko kakilala ang makababasa nito, malamang ay tatawanan ako. Parang tanga siguro. Pero para sa akin ay isang seryosong bagay din ito. Napupunan ng mga hayop ang ilang bagay na hindi kayang ibigay ng tao. 

Babay tong... :(