November 24, 2009

New Moon: A Nightmare




Napakaraming showing na pelikula ngayon; may 2012, Paranormal Activity at syempre ang New Moon. 'Yan ang tatlo sa mga kilalang pelikulang ipapalabas sa takilya sa tulong media. Walang sawang pag-eere at nagkalat na posters o adds saan mang mall ka magpunta.

Noong November 20 bandang alasais ng gabi, dumaan kami ng Trimona (Trinoma, pero i used to call it that way, hehe. mga fx drivers kasi) para makigamit ng libreng wifi at sa pagpasok namin ng mall, isang napakahabang pila ang tumambad sa amin. Naisip ko tuloy kung anong meron at ganoon na lang kahaba ang pila na umabot pa sa lobby? Napag-alaman kong showing pala ng New Moon. Okay. Habang nakaupo ako at hinihintay matapos ang ate kong nakikigamit ng wifi, pinagmamasdan ko lang ang pilang humahaba pa. Humahaba at humahaba. Inobserbahan ko rin kung sinong mga nakapila. Karamihan ay mukhang mga mayayaman, may mapuputing kutis na pinagtyatyagaang pumila ng napakahaba makapanood lang ng inabangan at pinanghandaang pelikula, yung iba mukhang trip lang, may lolo pa nga yata akong nakita. Pero kasama sa karamihan syempre yung mga magjowa, mga ordinaryong nilalang na napaspasan at naakit ng media.



Mukha sigurong napaka-kj ko o ano bang pakialam ko sa mga taong 'to, nagtataka lang ako. Ano bang meron sa Twilight o New Moon na yan para pagkaguluhan? Medyo napanuod ko yung nauna, ordinaryong cheesy film lang naman. Sa tingin ko, kilig lang ang dulot nito sa tao pero siguro nga yun din ang pangunahing dahilan kung bakit hook na hook ang mga tao, dahil ito ay ordinaryo at pilit na ipinamukha sa mundo na maganda ito at hindi dapat palampasin ng mga tao. Hindi ko nga siguro maiintindihan ang mga taong ito dahil hindi ko naman nabasa o napanuod ang Saga na 'to. Patok na patok. Kahit saan ako magpunta, New Moon, New Moon ang naririnig ko. May mga kwentong lungkot na lungkot kasi hindi nakapanuod at sa National Bookstore narinig ko ang isang babaeng, kukumpletuhin nya raw ang libro pero kahit isa wala pa syang nahahawakang ganito (dakilang epal, haha. narinig ko lang sa cashier, di maiwasang bumulusok ang radar ko, new moon daw e. haha) at 'yun pa pala ang isang punto ko, hindi nga siguro alam ng  lahat ng nakapila doon na galing ito sa libro at mas matutuwa siguro sila kung nabasa nila ito. Pero wala na kong magagawa sa bagay na 'yun, nagtagumpay na naman ang mga kapitalista sa pag-iimpose ng mga kaisipang hindi naman mahalaga. Panalong panalo. 'Yung ibang estudyante siguro nagtiis pa ng gutom makasabay lang sa uso at makapanuod ng naturang sikat na palabas. Wala na ngang makain, sumusine pa.

Pa'no kaya kung nagshowing 'yung "DUKOT" sa mga sinehan? Pa'no lang naman. Hahaba rin kaya ng ganyan ang pila ng mga tao, pagtutuunan kaya ng pansin ito? Syempre hindi, kasi hindi ito iaalok ng media. Hindi naman uso sa kanila ang magpalabas ng mga bagay na makakapamulat sa mga tao ng kanilang tunay na kalagayan. Imposible.

Ang goal ko ngayon, alamin ang esensya at aral na makukuha sa Twilight o New Moon, para maging objective naman ang mga pinagsasabi ko at manood ng maraming indie films.

Latest: Rome and Juliet.

3 comments:

kesi said...

tama. maging objective ka naman. malay mo, maganda naman kase yung cinematography at baka may mga makabuluhang bagay naman in between the scenes. hindi lang masaydong implied. ok? goodluck sa pagiging objective mo. basta ako...

subjective lang poreber tungkol sa twilight-newmoon!at ayoko sa kanya. wakaka. peace. =)balitaan mo nalang ako pag tapos na ang objective research mo.

at ikuha mo naman ako ng kopya ng rome and juliet. pleaaaase! :D

starlet said...

nyahaha. ioobjectify ko lang. pero ayoko pa rin sa kanya. hahahahaha. panget. hehehe.

sige. hanap ako kay jude. hehe

starlet said...

oi mali. nde pala yan trimona. esem north lang pala. ahaha. naalala ko lang nung nakita ko yung kumikintab na chuva sa piktsur. ahahahha.

Post a Comment

C'mon, speak out!