January 13, 2010

Series of Unfortunate Events

 Ika-11 ng Enero 2010

Wala kaming pasok pero kailangan kong magpunta sa school dahil mag-aamend kami ng konstitusyon. 4pm pa ang call time pero nagdecide kami ni boy balbas na magkita ng ala-una sa LRT2 Recto Station para magreview sa Statistics dahil may long quiz kami kinabukasan.


Paalis na ko, gamit ko sana ang body bag ng ate ko dahil konti lang naman ang dadalhin ko, pero nung makita nya ito, sinabi nyang gagamitin nya raw at 'yung backpack ko na lang ang gamitin ko. Okay. Habang tinatransfer ko 'yung mga gamit ko, may ilang scenario ang pumasok sa isip ko. Pa'no kung masnatchan ako? Pa'no kung madale ang cell phone ko? Kaya hindi ko inilagay ang phone ko sa bulsa ng bag ko kahit na anong mangyari at imbes na backpack, sa harap ko lagi ito nakasabit. Pagdating sa stasyon, wala pa si boy balbas. Medyo matagal-tagal akong naghintay. Naaliw na lang ako dun sa mga bulag na tumutugtog. Amaze na amaze ako lagi pag napapanuod sila. Wala lang. Maya-maya dumating sya, kumain kami ng siomai sa Master Siomai at nagtake-out pa ng isang order matapos ay naisipan kong bumili ng Dunkin Donut; dalawang Bavarian at dalawang Choco Creme. Inilagay ko ang cell phone sa bulsa ko.


Paglabas ng stasyon, papunta na sa aming destinasyon, hindi pa nakakalayo. Narinig ko 'yung tunog ng binuksang zipper sa likod ko. Agad akong lumingon at may lalaking dali-dali kaming inunahan at patay malisya kahit na obvious naman na nagtangka syang buksan ang bag ko. 'Yun ang una at sinabit ko uli sa harap ko ang backpack. Nag-aabang na kami ng jeep. Sakto, walang nakaupo sa harap. May napulot kaming ID, taga-Baste. Itinago ko. Sandali lang ang byahe. Nang pababa na kami, hindi gaanong nakatabi ang drayber kaya't parang nagmamadali kaming bumaba dahil nagmamadali syang umandar, medyo mataas pa naman ang jeep nya. Nahuli kaong bumaba at medyo nahirapan ako. Naramdaman kong parang may nalaglag mula sa bulsa ko. Nasulyapan ko, parang cell phone ko yata 'yun, medyo nagkatinginan pa nga kami ni manong at mabilis syang... umandar? Red light nun, pero mukhang sumingit-singit na sya.. Mabilis ang pangyayare, malaki 'yung bag ko na yakap-yakap ko kaya hindi ko maisip ang gagawin. Pero,inisip kong baka nasa bulsa lang ng bag ko, o baka na kay boy balbas lang. Pero wala akong cell phone na nakita. Wala. Sinubukan pang habulin at hanapin ni boy balbas ang jeep, pero hindi na namin nakita. 


Tumabi na lang kami at naghanap ng mapepwestuhan. Imbes na mag-aral, natahimik na lang kami. Kinain agad ang mga biniling pagkain, pampalubag loob. Unti-unti kaong nalungkot. Pinaghirapan ng nanay ko 'yun, pero dahil sa 'di ako nag-ingat, sa isang iglap, nawala lang parang bula. Tiyak na ikalulungkot nya 'to. Hindi man lang tumagal. Hindi nga nadale nung una, pero natuluyan naman sa pangalawang pagkakataon. Naalala ko tuloy 'yung biruan namin date, "Walang taong malas, Tanga lang kayo". Hehe. Matapos kong maubos lahat ng binaon namin, naghanap naman ako ng Chowking at nagpakabusog. Ang panget ng feeling, lalo na pagbina-browse mo sa isip mo 'yung mga nilalaman ng bagay na nawala sa'yo. Nandun 'yung kauna-unahang text ng bestest friend ko nung una kameng nagkakilala, mga cheesy moments sa mga barkada kong hindi showy at higit sa lahat mga contacts ng mga taong rare matagpuan. Haha. Pakkkk. Haaaay. Nakakapagpabagabag.


Sa t'wing naaalala ko 'yung mukha ni manong, naaasar ako. Akala ko kasi, guni-guniko lang 'yung nakita ko, na nalaglag sa upuan 'yung cell phone ko at sumasama ang loob ko dahil hindi sya nagkusa para ibalik 'to. Siguro ibibigay nya sa anak nya, o ibebenta nya o baka wala syang cell phone. Rawr! Malas lang siguro 'yung ID na napulot namin, haha. Mukang may sumpa 'yung may ari e. Amf.

Lesson: Dapat hindi na ko nag-iisip ng mga ga'nong scenario. Nagkakatotoo palagi e. Chill lang.

No comments:

Post a Comment

C'mon, speak out!