January 17, 2010

Babuyan na 'to!


Bago pa man ako magsimula sa mga gagawin ko, gusto ko munang unahin to. Habang busy-ng busy ako sa pagkokompyuter dito, galit na pumasok ng bahay ang tatay ko galing sa labas at may dala-dalang isang supot ng monay. Tinanong ko kung bakit, iritable nyang sinagot ang tanong ko, kinausap daw nya 'tong intrimitida naming kapit-bahay. Pa'no, tinatanong raw sya kung ano pang business nya (akala ko may kinalaman sa monay ang problema nya, hehe) na nakakapagtaka. Parang gusto kasing palabasin nitong kapait-bahay namin na bagong lipat na may iba pang ginagawa ang tatay ko bukod sa pagtitinda ng baboy. Alis daw kasi ng alis ng bahay (ako naman, parang HUH? pati ba naman 'yun pinoproblema nila? kaya alis sya ng alis dahil binabalikan nya ang mga customer nya na may utang), kwinestyon pa nga nitong ale na 'to 'yung ipinasok daw naming dalawang kahon noong nakaraan dito sa bahay, jusme! Tangena, 'nung marinig ko 'yun pati ako nagpupuyos na sa pagkairita. Eh 'yung dalawang kahon na 'yun ay kahon ng binili naming speaker bago mag bagong taon. Parang tanga lang. Ang pinangangamba ng tatay ko, baka raw bigla syang ipadampot ng mga 'to na dala ang kung anu-anong subjective na impormasyon eh kawawa naman kami. Ang nakakainis pa wala naman syang dapat na ipaliwanag sa hinayupak naming epal na kapit-bahay na 'to. Sila lang yata ang hindi nakakakilala sa tatay ko dito sa Valenzuela. Kung anu-ano na kasing naging negosyo ng tatay ko rito, mula sa pagkakarinderya namin noon, paglalako ng isda, gulay, manok at ngayon ay baboy, naikot at nabentahan nya na yata lahat ng kalapit na barangay namin dito. 

The nerve lang talaga 'tong kapit-bahay namin na 'to. Subukan lang nilang chuvahin ang tatay ko, good luck na lang sa kanila. Mukhang nakakaramdam akong lilipat na nman kami ah. Haha. Dyan lang sa may baba. Haha. Lol.   

9 comments:

kesi said...

aynako. nasaksihan ko ito. bago kami umalis niyan e, hinatid niya kase ko sa boarding house, tapos habang hinahanda yung mga gamit, ayon, umi-interview si neighborhood. boy badtrip e noh? mga chismosa pakshet.

buti binilhan ka pa ng monay. haha

starlet said...

parang tanga si kathlyn te, yung nakasulat sa gate yung napansin "Huwag umihi dito putol titi"... hahaha.

Anonymous said...

hahaha nkakatwa kaung mgkakaptid
aun kmusta amn di mwawala ang mga usiserang kapitbhay,,
hehehe ayun inggit sa inyo yan hehehe
ingat lang traydor yang mga gnyan hehehe

byebye

Anonymous said...

haha...

mga poor na kapit bahay yan walang mapagkaabalahan..

at sa sobrang poor nila sa buhay hahalo na lang sa buhay ng iba..
okey lang yun at least idol nila kami..

grabe...sikat na kame..wohoo...

-kathy^_~

khat said...

oows...
la ako makument. =]


syet sila..

pks ba nila
napka badoodles nila..
echusera..

kung gusto nila knila na yung khon.
ampf!!!
isubsob nila sa bga nila.

parang khon lng
pinoproblema
sila nga sobrang damng kahon


ee bk8 cla?
san ba nila nakukuha yung
pinanguupa nila?
yung pinangkakain nila?
yung puhunan nila?


bullsyet!!!! bullyadda...

aaaaaaaaa,,,
kainis.

starlet said...

oi kathlyn cabantac! san mu pinagkukuha yang lengwahe mo? italyano ba yan o ano. hahaha.

starlet said...

"at sa sobrang poor nila sa buhay hahalo na lang sa buhay ng iba.."

grabe namanto kating! hahaha. hardcore.

judeness.. said...

hahahaha!! pakielamerang kapitbahay!!.. parang d21 samen yan ee.. pinagbintangan kaming jumper ng kuryente..
charr!!.. hahaha..

rache said...

buti pa kami walang kapitbahay

wohohohoh.

Post a Comment

C'mon, speak out!