alas -11:00 ng gabi, pebrero 6 2010,
nakakapagod ang isang mahabang biyahe mula cubao papunta sa aming tahanan, minabuti ko munang maupo pagkapasok sa aming bahay at nanuod ng isang palabas sa telebisyon. napansin kong anong oras na ay nasa upuan parin ako at tila ba natali na sa panonood sa isang palabas na bagamat hindi ko inaabanagan, ay pinanuod narin. mahigit dalawang oras din akong nanuod at nagsayang ng dalawang oras na maaaring ilaan sa mas produktibong bagay.
isang kotasyon ang aking naalala sa ganitong sitwasyon:
" the production of too many useful things results in too many useless people"
marahil ay magbabago ito ng interpretasyon sa mga makakabasa ng talakayang ito, pero, kung mapapansin, may kaugnayan ito sa naranasan ko kanina at ng iba pang mga tao nalululon sa teknolohiyang inilalako ng pandaigdigang pamilihan na pangunahing minamanipula ng mga dambuhalang dayuhang mga korporasyon.
ang teknolohiya o siyensiya ay hindi masama, hindi din masama ang pagunlad ng mga kagamitan at mga libangan ng mamamayan, ang nagpasama dito ay kung paano ito ginagamit.
sa kasalukuyan, nananatili sa pagiging pasibo ang mga pilipino dahi sa ganitong kultura, isang kulturang popular, sa halip na magrally ay pangarapin na sana ay totoo si santino, na mayroon ngang darna, na ang pagibig ay wagas maging sa mga hindi tao. ganito na tayo nahubog ng lipunan, kung hindi manonood ng mga ganitong palabas ay makikinig sa ating mp3 player ng mga kantang kung hindi pag-ibig ang tema ay pagtatalik, halimbawa nito ang first date sex ng isang kilalang rapper sa amerika. ang mga kantang tila ba nagmumukhang post-modernismo ang istura. kung hindi naman ay mahuhumaling tayo sa paglalaro ng mga online games at mga social networking tulad ng facebook (maaaring tingnan ng mambabasa na ipokrito ako dahil gumagamit ako ng facebook, subalit tulad ng sinabi ko kanina, walang masama sa siyensya, napasama lamang ito ng kapitalista). ganito na tayo, nasanay sa mga fastfood chain, mga mablisang gamot at pagkaing GMO (o mas kilalang Genetically Modified Organisms). sa "bombardment" ng iba't ibang produktong kapitalista, nagiging malabnaw at apatetiko ang mga mamamayan. dahil sa bombardment ng mga produkotng nanganagako ng pagakyat ng status quo ng mamamayan, nawawala ang pagiging "tao" ng tao. ito na marahil ang repleksyon ko sa kotasyong aking nabanggit kanina. kapag tayo ay natali na lamang sa ganitong mga produkto, makakalimutan na natin ang mga batayang pamamamaraan para mabuhay. ang ating nakukuha ay hindi na pangangailangan kundi mga itinakdang kagustuhan ng mga kompanya para sila ay yumaman, mga luhong hindi satin nagbigay ng pagtaas ng ating potensiyal bilang tao, bagkus ay nagpalala sa ating sitwasyon. maging makinang uniporme ang pagkilos, manatiling walang pakiealam sa mga batayang sosyo-pulitikal na mga isyung tayo ang sangkot.
marahil ay hanggang sa ngayon, ang tingin natin sa lipunan ay industriyal, dahil tayo ay nagtatamasa ng ganitong mga kagamitan, ito ay mali, tayo ay nananatiling atrasado, ang mga produktong tinatangkilik natin ay hindi mula sa ating, ang kulturang ating niyayakap ay kultura ng dayuhan. ang kaisipang ating ginagamit ay kaisipan ng indibidwalistang naghaharing uri, at taas noo nating sinasabing atin ito(marahil kung ako ay binatikos kanina sa talata sa taas, ito marahil ang ipokritong aking sinasabi). ito ang kulturang kailangang palitan, ang kailangang wakasan, ang kailanagang labanan, ngunit paano?? paano nga naman lalabanan ang kulturang ito??
ang kultura, ideolohiya ay repleksyon ng isang superistrukura na kung saan dinodomina ng naghaharing kaisipan, kung sa konteksto sa ngayon, ito ay minamanipula ng naghaharing uri, ng burgesya, ng kapitalista ng mga mapagsamanatala. mula sa eknomiya ay napapatagos nila ito sa pulitika a kultura, para wakasan ito, ay dapat wakasan ang pamamayagpag ng naghaharing uri sa ating bansa! sa eknomiya nakaugat ang mga ito, habang ginagamit ang pulitika para makapanitili ng kolonyal na paghahari, pinapanatiling pasibo at tahimik ang mamamayan sa tulong ng kultura, sa isang maling kaisipna(false conciousness). nangangailangang baguhin ang kultura, kailangang wakasan ang kolonyal na paghahari sa ekonomiya pulitika at kultura!! kaialnangang wakasan ang industrya ng kultura at magkaroon ng rebolusyong pangkultura!
ikaw? manonood ka pa ba diyan ng mga ganiyang palabas?? makikinig ka pa ba ng ganyang awitin?? mahuhumaling ka pa ba sa ganyang mga libangan?? mag-isip isip ka..........ano na ba ang dapat gawin?

____________________
Sobrang tagal ko ng hindi napapasok 'tong blogger na 'to. Wala lang, hindi ko na kasi nagugustuhan nag mga laman nito. Edi para magkaron naman ng matinu-tinong mababasa, ayun eto. Reblog. Galing sa pinakamamahal naming ama, ELIAS is going to smash you.